BUKOD sa panawagang seguridad para kay Kerwin Espinosa, anak nang napaslang na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., iminungkahi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pamahalaan ang agarang pagkuha ng affidavit o sinumpaang salaysay sa hinihinalang drug lord lalo’t may banta sa kanyang buhay.
Ayon kay Lacson, dapat ay may taong karapat-dapat na kumuha ng affidavit at mayroong dalawang testigong magpapatunay sa gagawing sinumpaang salaysay ni Kerwin.
Ito ay upang ano man ang mangyari kay Kerwin ay mayroon nang mahalagang impormasyon ang pamahalaan na magagamit sa hukuman sa pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa ilegal na droga.
Naniniwala si Lacson na mayroong naganap na extra judicial killing (EJK) sa pagkamatay ni Mayor Espinosa.
Ayon kay Lacson, maraming nalalamang mahalagang impormasyon ang mag-ama kaya hindi imposibleng pagtangkaan ang kanilang buhay.
( NIÑO ACLAN )