HUMIGIT-KUMULANG sa 560 indibidwal na nagsipagtapos ng maiiksing kurso sa Caloocan City Manpower Training Center-North ang ginawarang ng diploma ng CCMTC administration.
Kabilang sa mga kursong tinapos ng 556 residenteng nais magkaroon ng pagbabago sa kanilang pamumuhay ay engine repair, basic computer operation, housekeeping, aircon and refrigeration servicing at dressmaking. Ang mga nabanggit na kurso ay tinapos lamang ng tatlong buwan.
Habang ang mga four-month courses ay Shielded Metal Welding, Gas Metal Welding, Electronics Technician, Cookery, Computer Hardware Servicing, Electrical Installation and Maintenance, Massage Therapy, Food Processing, Hairdressing, at Beauty Care.
Pinaalalahanan ni Mayor Oscar Malapitan ang graduates na huwag sayangin ang pagkakataon at sikaping maging produktibong miyembro ng lipunan upang kanilang mai-angat ang antas ng pamumuhay ng kanilang sarili at pamilya.
( JUN DAVID )