Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road closed

Daan mula Obando ipinasara ng Valenzuela gov’t

IPINASARA ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang ilang mga kalsadang dinaraanan ng garbage trucks at mga pampublikong sasakyan mula Obando, Bulacan dahil sa kawalan ng koordinasyon ng Obando Municipal Hall sa ipinapatupad na re-routing scheme.

Sa opisyal na pahayag ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela, isinara ng pamahalaang bayan ng Obando, Bulacan ang kahabaan ng JP Rizal Road mula Brgy. San Pascual hanggang Paliwas dahil sa ginagawang pagkukumpuni.

“Ngunit nagkaroon ng kakulangan sa pagpaplano sa mga alternatibong daanan. Ang kanilang (Obando) solusyon, gamitin ang mga kalsada ng Wawang Pulo at Balangkas sa Valenzuela bilang alternatibong ruta at kanilang pinagpasyahan nang walang pagsasaalang-alang at walang koordinasyon sa pamahalaang lungsod ng Valenzuela,” ayon sa pahayag ng lungsod sa ilalim ni Mayor Rex Gatchalian.

Dahil dito, isinara ng Valenzuela ang naturang mga kalsada upang hindi makadaan ang garbage trucks, pampasaherong jeep, tricycle at pedicab na walang ‘supervision permit’ na manggagaling at patungo sa Obando.

Ikinatuwiran ng Valenzuela na magiging sanhi ito ng pagdami ng sasakyan na daraan sa makikipot na kalsada na magdudulot ng pagbubuhol ng trapiko; panganib sa kalusugan ng mga residente sa pabalik-balik na mga trak ng basura; panganib sa mga batang mag-aaral na tumatawid; at makaaapekto sa kabuhayan ng mga miyembro ng asosasyon ng pedicab at TODA ng lungsod ng Valenzuela ang pagpasok ng ibang pampasaherong sasakyan.

Maglalagay ng barikada at traffic enforcers sa naturang hangganan ng Valenzuela at Obando, Bulacan ang pamahalaang lungsod upang ipatupad ang desisyon.

( JUN DAVID )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …