Friday , December 27 2024

Huramentado ni Bantay!

00 Asar TaloAMMAN, Jordan—Habang nagkakasiyahan kami ng ilang kaibigan para ipagdiwang ang aking kaarawan noong Oktubre 9 ng gabi ay tumawag sa aking maybahay itong si Dionisio C. Daluyin, Jr., ang presidente ng Bantay at Kasangga ng OFW Int’l, Inc. Jordan Chapter. Tumawag siya at nagagalit daw sa aking maybahay dahil daw sa aking mga isinusulat tungkol sa nefarious activities ng kanyang grupo.

Ipinasa ng aking misis ang telepono sa akin at nang makausap ko itong hindoropot na Daluyin ay nagagalit na tinatanong ako kung ano raw ang gusto kong mangyari. Inakusahan pa akong hindi ko raw sinasagot ang pagtawag sa aking telepono ng founder at chairman ng Bantay na tinatawag niyang “Lawin”. Ang Lawin na kanyang tinutukoy ay ang isa pang hindoropot na Albert Lawin Guanzon, na umani ng napakaraming reklamo dahil sa kanyang binaboy at binastos ang distressed overseas Filipino workers sa Saudi Arabia.

S’yempre, nagkasigawan kami nitong si Daluyin kasi bukod sa pananalita niyang nakakalalaki, e, misis ko ang kanyang kinagalitan gayong ako ang dapat niyang kausapin at harapin. Kinausap niya ako sa telepono pero kung ang paghaharap ang pag-uusapan ay tila imposibleng mangyari dahil, ehem, hindi yata siya nakahandang makipag-basagan ng mukha! Hehehe. Biro lang po!

Gayupaman, walang nangyari sa aming sigawan kundi nabulabog lang ang aming kasiyahan ng konti. Pero natuloy ang kasiyahan at lalong naging masaya dahil ipinagdiwang na rin namin ang malamang duwag pala ang animal na Daluyin na matapang lang sa telepono!       Hoy, Mr. President, kahit saang lugar ay haharapin kita. Lalo na saan mang forum para mapatunayan ko sa lahat na totoo ang mga isinusulat kong hinayupak na operasyon ng iyong Bantay at Kasangga!

Abangan!

***

Nalaman ko na ang pambababoy at pambabastos nitong si Bantay at Kasangga founder Albert Lawin Guanzon ay nagsimula sa kanyang panloloko sa distressed workers.

Ipinakalat niya ang kanyang numero doon sa Al-Khobar at iba pang lugar sa Saudi para raw makalapit sa POLO o yaong Philippine Overseas Labor Office.

Pero nang tawagan ng workers ang naturang numero ay impiyerno pala ang kanilang patutunguhan.

Dito sa Amman, totoo bang may isang OFW na lumapit kay Dionisio C. Daluyin, Jr. para humingi ng kanyang tulong at kanya ring “inasawa”? Nagtatanong lang po!

Alamin!

***

Noong Oktubre 10, nakita ko sa aking cellphone na may mensahe sa akin itong si Albert Lawin Guanzon. May mga tinanong siyang maayos kong sinagot.

Sa kanyang sumunod na mensahe ay nagbabanta na siya at sinabi pa sa akin na pinagsabihan” na niya ang editor ko. Rumehistro agad sa aking isipan na pinagalitan niya ang aking mga editor dito sa Hataw at sa isang weekly tabloid aking pinagsusulatan din.

Tanong niya sa akin kung bakit daw isinusulat ko pa ang kaso laban sa kanya na tapos na. Sus, ginoo!

Alam n’yo, mga padrino ko, nagsimula ang kalbaryo ng distressed workers at ang kanilang “bangungot” sa kamay ni Guanzon at kanyang mga galamay sa Bantay at Kasangga dahil sa kanyang panloloko.

At napakalinaw na hanggang ngayon ay pinagloloko pa rin niya ang lahat dahil sa kanilang Facebook page ay makikitang itong si Guanzon at nakasuot ng uniporme ng opisyal ng militar. At ang isa ay nakasuot siya ng Saudi attire na tila ba kagalang-galang.

Bukod dito, nakalagay pa na rehistrado sa Philippine Embassy doon ang kanyang grupo gayong hindi ito nakarehistro.

Ang tanong ko ay kailan naging opisyal ng militar o pulis itong si Albert Lawin Guanzon? Kung totoong naging opisyal nga siya ng military o pulis ay ano ang nangyari sa kanya at naging dispatser na lamang siya sa isang bus terminal doon sa Dammam? At bakit nakalagay na rehistrado ang kanyang grupo sa embahada gayong hindi naman pala?

Kung hindi ito masagot ni Guanzon ng maayos ay patunay ito na patuloy siya sa kanyang panloloko.

Alamin!

ASAR TALO – Dodo R. Rosario

About Dodo Rosario

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *