NILINIS ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa isyu nang pagkakaugnay ukol sa extra judicial killings (EJK) sa bansa.
Ayon kay Gordon, chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, tinapos na nila ang pagdinig ukol sa naturang usapin at nakita nila sa imbestigasyon na walang direktang nakapag-ugnay sa Pangulo.
Ibinunyag ni Gordon, sa lalong madaling panahon o baka sa Lunes ay maglalabas siya ng committe report na magtutuldok sa lahat ukol sa naturang isyu.
Nilinaw ni Gordon, hindi niya minadali ang lahat ngunit magandang mayroong closure ukol sa sinimulang imbestigasyon.
Sinabi ni Gordon, mayroon silang mga resolusyon at panukalang batas sa ilalim ng kanyang komite na dapat talakayin at kabilang dito ang panukalang death penalty.
( NINO ACLAN )