SUSPENDIDO ang apat na traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pangongotong sa ilang motorista sa mga lansangan sa Metro Manila.
Inirekomenda ng MMDA-Legal and Legislative Administrative Services na kasuhan ng administratibo ang mga suspendidong traffic constables na sina Crisaldo Lopez, Victor Santos, Mark Richard De Guia, at Resty Padel, bukod sa 90-day preventive suspension.
Huli sa closed circuit television (CCTV) camera ang pangongolekta ng pera sa isang motorista ni Lopez, regular employee ng Traffic Discipline Office, Southern Traffic Enforcement District (TDO,STED) ng MMDA, sa MIA Road at Roxas Boulevard noong Oktubre 7.
Habang nakita sa video ang hindi pag-iisyu ng violation ticket at pakikipagnegosasyon sa hinuling mga motorista nina De Guia at Padel, kapwa nakatalaga sa EDSA Special Traffic and Transport Zone noong Oktubre 8.
Habang si Dexter Lucas, 43, nakatalaga sa MMDA Motorcycle Unit, ay naaresto sa pagbebenta ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Quezon City noong Oktubre 9.
( JAJA GARCIA )