PATAY ang apat hinihinalang drug pusher sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Antipolo at bayan ng Cainta sa lalawigan ng Rizal.
Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Adriano Enong Jr., Rizal PNP Provincial Director, dakong 9:00 pm napatay sa buy-bust operation si Cris Samoy at tatlong hindi pa nakilalang suspek sa operasyon sa isang subdibisyon sa Cainta.
Habang dakong 9:20 pm napatay sa shootout ng mga tauhan ng Antipolo PNP si Edgar Loilo sa Brgy. Cupang ng nasabing lungsod. (ED MORENO)