CAMP OLIVAS, Pampanga – Tinatawagan kung sino man ang mga kaanak ng isang hindi nakilalang babaeng hinihinalang biktima ng salvage na makaraan patayin ay isinilid sa drum at ipinaanod sa Pampanga River.
Napag-alaman, natagpuan ng isang mangangalakal ang bangkay sa drum sa pampang sa Brgy. Sucad, bayan ng Apalit kamakalawa.
Ayon sa ulat ni Supt,. Wilson M. Alicuman, hepe ng Apalit Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, Police Regional Office-3 director, inaalam pa nila kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktimang pinalo nang matigas na bagay sa ulo, kung ito ay may kinalaman sa droga o love triangle.
(LEONY AREVALO)