Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ilang pasyente ng MMC nangamba sa Bilibid riot victims

NANGANGAMBA ang ilang pasyente ng Muntinlupa Medical Center sa pagkakaratay ng sugatang tatlong high profile inmates ng New Bilibid Prison (NBP) makaraan ang nangyaring riot sa nasabing piitan kamakalawa.

Halos sabay na nagpalipat ng silid ang ilang pasyente na katabi ng silid ng tatlong bilanggo na sina Jaybee Sebastian, Peter Co, at Vicente Sy.

Nananatiling bukas ang mga pintuan ng nasabing inmates at maraming bantay na Special Action Force (SAF) sa lahat ng pasilyo.

Magkakatabi ang kuwarto ng NBP inmates na todo bantay at hindi basta-basta makalalapit ang sino man sa pintuan.

Ayon kay Dr. Uriel Halum, administrator ng MMC, limitado sa apat na bisita ang pinahihintulutan na kamag-anak ng mga bilanggo.

Mahigpit ang ipinatutupad na seguridad kaya maging ang mga kamag-anak ng inmates ay kinakailangan munang humingi ng permiso mula sa NBP.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …