Monday , December 23 2024

Scholarship ibinigay ng Navotas sa 150 student-athletes

NAGKALOOB ang Navotas City Government ng scholarship sa 150 Navoteño na mga estudyante ng elementarya at high school na nagpakita ng kahusayan sa sports o pampalakasan.

Lumagda ang scholars at si Navotas Mayor John Rey Tiangco kasama ang mga magulang o guardians sa memoradum of agreement para sa Navotas Athletic Scholarship Program.

“Sports not only improve the skills and stamina of the athletes. They also help develop self-discipline, self-esteem and respect for others,” ayon kay Mayor Tiangco.

“This is why, we encourage our youth to engage in sports. We want them to enjoy meaningful activities and veer their attention away from vices, especially drug abuse,” dagdag ng alkalde.

Ang athletic scholars ay makatatanggap ng P16,500 para sa transportation at food allowance at P1,500 para sa uniform at equipment sa bawat academic year.

Ang kanilang scholarship ay ire-renew kada taon, at kinakailangan nilang dumalo sa sceheduled trainings ng city government at makapanalo ng kahit third place o katumbas nito sa regional o national sports competitions.

Ang athletic scholarship ay bukas sa mga estudyante na nagkampiyon sa larangan ng table tennis, taekwondo, swimming, athletics, badminton, arnis at chess sa Navotas schools division meet.

”We want to hone the talents and skills of our young athletes so they would excel in their respective sports and be able to represent the city in competitions.” ayon kay Tiangco.

Napag-alaman, si Tiangco ay isa sa top-ranking player sa Philippine Tennis Juniors noong kanyang kabataan. Sa kanyang paninilbihan bilang alkalde ng lungsod ay nakapagpatupad na siya ng academic scholarships sa 248 high school at college students gayondin sa mga guro.

Bukas ang scholarships sa mga estudyante ng Navotas Polytechnic College, kinakailangan lamang pumasa sila sa drug test at makapagsumite ng iba nilang requirements. Sa ngayon ay nasa 720 estudyante na ang nasa ilalim ng nasabing programa.

( JUN DAVID )

About Jun David

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *