NABABAHALA na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa nagsisiksikang mga detainee sa kanilang mga kulungan.
Kaya naman umaapela si MPD district director SSupt. Joel Coronel sa Regional Trial Courts (RTCs) sa Maynila na madaliin ang usad ng kaso ng mga detainee sa lungsod.
Grabe na ang congestion (siksikan) ng mga preso sa mga kulungan ng police stations at police community precincts.

Kung tubig lang ang mga preso, apaw na apaw po sila sa kanilang kinalalagyan.
Halos lampas 60 posiyento ang congestion ng mga selda sa mga presinto at mapaluluwag lang ito kung maililipat na ang ibang detainee sa city jail.
Pinangangambahan na magkaroon ng epidemya sa mga kulungan dahil maraming detainee ang nagkakasakit sa sikip ng kulungan.
Hihintayin pa ba ninyo na may mangamatay sa mga kulungan ng MPD?!
ANO BANG MERON SA IMMIGRATION
BATANGAS FIELD OFFICE!?

Mayroong mga nagtatanong kung bakit tila nagri-rigodon lang ang mga nagiging Alien Control Officer (ACO) diyan sa Bureau of Immigration Batangas field office?
Ilang administrasyon at commissioners na ang lumipas pero pero kung hindi naigagarahe panandalian ay naibabalik din ang mga dating nakapuwesto riyan?!
Sabi tuloy ng iba, “wala na raw bang may alam ng trabaho or operations diyan at pabalik-balik na lang ang mga nagiging ACO sa Batangas?!
Sana naman daw ay bigyan ng pagkakataon ‘yung iba na makapuwesto roon at nang mawala ‘yung mga nakapagdududang connivance or tarahan kung mayroon man nangyayaring ganyan!
Ano raw ba kasi ang meron sa Batangas Port at tila ‘pinagkakamatayan’ ang mapuwesto riyan?
I really doubt kung ‘yung masarap na isdang pinangat, bulalo, lomi at gotong Batangas ang nami-miss ng isang ACO na balik-opisina ngayon diyan.
Kung ‘yun man talaga…
Tell that to the Marines, oyyy!!!
MEDIA KAKAMPI NA
SI PRESIDENTE DUTERTE

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com