Saturday , April 12 2025

Apalit ex-vice mayor itinumba

CAMP OLIVAS, Pampanga – Bumulagtang walang buhay ang isang dating vice mayor ng bayan ng Apalit makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa loob ng kanyang pag-aaring Masa Royale Resort kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Juan, ng nabanggit na bayan.

Nabatid sa ulat ni Supt. Wilson M. Alicuman, hepe ng Apalit Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, Police Regional Office-3 director, agad binawian ng buhay ang biktimang si dating Apalit vice mayor Alex Manlapaz, 48-anyos.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Artem S. Tamsi, nagtungo ang dalawang suspek sa resort ng biktima ngunit habang sila ay nag-uusap, bigla siyang pinagbabaril nang malapitan at pagkaraan ay mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.

( LEONY AREVALO )

About Leony Arevalo

Check Also

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Chiz Escudero Imee Marcos

Imee desmayado sa ‘di paglagda ni SP Chiz sa contempt order vs special envoy

DESMAYADO si Senadora Imee Marcos, chairman ng Senate committee on foreign relations, nang hindi lagdaan …

Vince Dizon DOTr

Ngayong Semana Santa
Ligtas at maginhawang paglalakbay tiniyak ng DOTR

TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr)  Secretary Vince Dizon sa publiko ang maayos at ligtas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *