Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kaninong asset si Jaybee Sebastian?

LUMULUSOT lang ba si dating justice secretary at ngayo’y senadora Leila De Lima o siya ay naghahalusinasyon na?

Itinatanong natin ito dahil nagulat tayo sa kanyang rebelasyon na asset ng ‘gobyerno’ ang tinaguriang king of the drug lords na si Jaybee Sebastian.

Asset ba siya as in katulong ng gobyerno laban sa droga?!

Asset ba siya para sa ‘pitsaan?’

O asset ba siya para sa ‘pangangailangan’ ni Madam Leila.

Wala na tayong makitang pagkakaiba nina Edgar Matobato at Madam Leila.

Parehong paiba-iba ang kanilang mga statement at pasulpot-sulpot sa kanilang bibig ang kung ano-anong naiisipan.

092416-nbp-jaybee-de-lima

Gusto rin natin alamin, bahagi ba ng pagiging asset ni Sebastian ang pagnenengosyo ng shabu sa loob ng National Bilibid Prison (NBP)?

Hindi na natin maunawaan kung anong mayroon sa nakaraang administrasyon at bakit nila kailangan gumamit ng mga taong gaya nina Matobato at Sebastian.

Heto pa ang isa, in fact na inamin ni Madam Leila na asset si Jaybee, nangangahulugan ba ito na totoong pinag-produce niya ng milyon-milyones at bilyon-bilyong kuwarta para sa kanyang pondo sa pangangampanya nitong nakaraang eleksiyon?!

‘Yan bang bilyon-bilyong salapi na ‘yan ang ginamit nila para hindi na malaglag at maipako na sa ika-12 puwesto si De Lima kahit mahigpit ang laban nila ni Francis Tolentino?!

Ano kaya ang tamang itawag sa ganito?

Tama bang sabihin na si Senadora Leila ay ‘pinagpapala’ ng king of the lords sa Bilibid?

Pakisagot na nga!

ILLEGAL PARKING LILINISIN DAW
NI MTPB CHIEF DENNIS ALCOREZA?

090916-manila-city-hall-mtpb

Gustong-gusto ng inyong lingkod ‘yan.

Linisin ang illegal parking na nagpapasikip sa daloy ng mga sasakyan.

Ipinagmamalaki ni MTPB chief Dennis Alcoreza na nilinis na nila ang Quiapo, Sta. Cruz, Avenida, Blumentritt at iba pang lugar na talamak sa masikip na trapiko.

Ang tanong: bakit hanggang ngayon may illegal terminal pa rin sa Plaza Lawton sa Ermita, Maynila?

Hindi ba nakikita ni MTPB chief Alcoreza ang illegal terminal na ‘yan?

O ayaw lang niyang tingnan?

‘Yan ba ang dahilan kung bakit laging bumibisita sa opisina ni Alcoreza ang reyna ng illegal terminal sa Plaza Lawton?

Gaano kaya kadalas ang mga minsang pagbisita ng reyna ng illegal terminal sa Plaza Lawton?!

‘Yan daw, mga minsang pagbisita na ‘yan ay naghahatid ng ngiti at pamimilog ng umiikot-ikot na mata ni MTPB chief?!

Parang, boteng umiilaw daw ang mga mata ni MTPB chief kapag dinadalaw ng reyna ng illegal terminal?!

Magkano ‘este ano kaya ang dahilan?!

Sino kaya ang sasagot?!

PAYAPA NA ANG KALOOBAN SA DAVAO

070816 davao

SIR Jerry, halos isang taon rin ako nagdalawang isip umuwi sa Davao dahil sa pangingidnap sa tatlong dayuhan kasama pa ang isang Pinay sa Samal Island.

Hindi ko maiwasan mangamba dahil sa kaligtasan ko at ng aking pamilya lalo na para sa mister ko na isang Australian, kung kapwa Filipino nga ay binibihag rin. Ngunit nabuhayan ako ng loob lalo na nang mabalitaan ko na nakalaya na ang natitirang Norwegian na kinidnap noong Setyembre 2015 na ang dalawang kasama niyang Canadian ay pinugutan ng ulo ng teroristang Abu Sayyaf, may effort pala talaga ang ating pamahalaan ukol dito.

Napakalaking bagay rin ng massive military operation ng ating gobyerno laban sa mga terorista dahil uniti-unti nilang nakukubkob ang mga kuta nito. Naniniwala ako na matatapos rin ang kaguluhan sa Mindanao dahil lahat ng mamamayan iisa ang dalangin na mawakasan na ang karahasan sa bansa at magtuloy-tuloy na ang pag-asenso ng bawat Filipino.

– Angela M. Kelly

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *