PATAY sa follow-up operation ng Pasig PNP ang dalawang lalaking sinasabing miyembro ng vigilante group na pumatay sa isang hinihinalang drug pusher, nang masabat ng mga awtoridad at nakipagpalitan ng putok sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa ulat ni Pasig City Police chief, Senior Supt. Orlando Yebra, pinatay ng dalawang suspek ang hinihinalang drug pusher na si Romeo Natural alyas Boy Myrna sa Afable St., Brgy. Sagad, Mandaluyong City dakong 2:00 am kahapon.
Bunsod nito, naglatag ng checkpoint ang mga awtoridad sa Brgy. Rosario at nang masabat ang mga suspek ay nagkaroon ng palitan ng putok na ikinamatay ng dalawa. ( ED MORENO )