Thursday , December 26 2024
h4_huwebes

Sino ang tunay na salarin?

PANAHON ngayon ng bulgaran mga ‘igan! Kung kaya’t “Bato–Bato Balani” ang tamaan ay huwag magagalit. Hehehe…

Ikinantang sangkot umano mga ‘igan si Senator Leila De Lima sa usaping droga sa Bilibid. Sa napakaraming anomalyang ipinupukol kay De Lima, lalong-lalo ang umano’y pagtutulak ng droga sa loob ng bilangguan, aba’y isa lang ang sagot ng Senadora, partikular sa mga taong naninira umano sa kanya, “May araw din kayo!”

Hindi n’ya umano mapapatawad ang mga nasa likod ng pag-iimbento ng ebidensiya laban sa kanya…

Ayon sa pahayag ni high-profile inmate Herbert Colanggo, nagsimula ang operasyon, taon 2014, noong si De Lima ang Kalihim ng Dep’t of Justice. Naging talamak ang Droga at mala–Las Vegas ang Bilibid. Wow! Dagdag niya, nagsimula na rin ang pagtanggap ni De Lima ng P3 milyong payola. May P1 milyong kickback umano si De Lima sa kada ‘concert’ ni Colanggo sa Bilibid. Wow uli!

Aba’y wala rin takot na isinangkot ni Colanggo ang aide at driver ni De Lima na si Ronnie Dayan, na siya umanong namamagitan para sa Senadora sa mga kalakaran sa New Bilibid Prison (NBP).

Mismong aide ni De Lima ang humingi umano ng tulong kay Colanggo na magbenta ng droga para raw sa kandidatura ni De Lima noong mga panahong iyon. Ganoon ba mga ‘igan?

Ngunit ano nga ba ang totoo? Sino nga ba ang nagsasabi nang totoo? Hanggang kailan ang usaping ito? Saan ba patungo ang batuhang ito? Tungo ba ito sa pagkakaisa ng sambayanan o sa tuluyang pagkakawatak-watak? Bakit nangyayari ito? Bakit ngayon lang naglalabasan ang mga katiwaliang ito?

Nakalulungkot mang isipin, pero kinakailangang matukoy o tukuyin ang mga salarin. Papanagutin ang mga nagkasala nang hindi pamarisan. Pagtuunan ng pansin ang mas mahalagang bagay tungo sa tuloy-tuloy na tunay na pagbabago. Higpit nang konti sa pamamalakad at pagpapatupad ng batas lalong-lalo sa New Bilibid Prison. Ipadanas sa mga nagkasala o mga tiwaling preso ang dapat nilang maranasan sa loob ng kulungan.

At ang mga animal at tarantadong public officials na silang pasimuno ng mga maling gawa’y dapat na ipabaril sa Luneta!

Ka Digong, tuloy-tuloy lang po sa pagpapatupad ng mga programang makapagpapatahimik sa bansa. Bagama’t kulang ang anim na buwan, walang problema ito. Ang mahalaga’y patuloy sa pagganap ang lahat para sa isang maayos at maunlad na Filipinas.

PLAZA LAWTON MAGKANONG DAHILAN

ANO’T patuloy pa rin ang katarantaduan d’yan sa Plaza Lawton? Ano’t hindi matinag-tinag ang illegal terminals at illegal vendors? Magkanong halaga at anong ligaya ang nakukulimbat ng mga animal sa Plaza Lawton? Sino ang nagbibigay ligaya sa mga pulis at hindi kayang linisin ang Plaza Lawton? Marami ng reklamong natatanggap partikular sa police commander na assign sa nasabing lugar.

Ayon sa aking Pipit, totoo nga bang sadyang inutil ang mga pulis sa Plaza Lawton? Aba’y hindi habambuhay kayong magpapayaman at magbubuhay hari sa Plaza Lawton. Bagkus, ito’y linisin upang hindi mapanghi sa ilong ng mga estudyanteng dumaraan.

Paging tokayo Gen. Bato, pakisagip po ang Plaza Lawton sa kamay umano ng mga tiwaling lingkod bayan…na ayon sa aking “Pipit” ay patuloy na nagpapakasasa sa perang natatanggap mula sa ilegal na pamamaraan.

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *