Saturday , November 16 2024

LCP kinatawan ni Malapitan sa UCLG-AsPac

KINATAWAN ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang League of Cities of the Philippines nang maghalal ng mga kakatawan sa international executive councils.

Naihalal ang Caloocan sa dalawang international executive councils kabilang ang United Cities and Local Governments in Asia-Pacific (UCLG-AsPac), at sa World Executive Bureau (WEB).

Sa ika-anim na UCLG-AsPac Congress and Executive Bureau and Council Meetings na ginanap sa Gunsan Saemageum Convention Center sa Jeollabuk-do, Republic of Korea, may temang: “Regions, life and culture in the new urban agenda” tinalakay ang ilang mga importanteng isyu na nakaaapekto sa rehiyon.

Kabilang sa mga tinalakay ang: “inclusive, safe, resilient and sustainable human settlement (pursuant to the Sustainable Development Goals of the United Nations Development Program); Local Development Approaches with emphasis on leadership, good governance, territorial governance and culture; localization of various approved international governance frameworks/benchmarks (i.e. 2030 Agenda for Sustainable Development, Sendai Framework for Disaster Risk Reduction, and Addis Ababa Action Agenda on Financing for Development).

Sa eleksiyon ng pamunuan ng UCLG-AsPac ang mayorya ng boto ay galing sa mga mayor ng mga siyudad sa iba’t ibang bansa na kabilang sa Asia-Pacific.

Binigyang-diin ni Malapitan na ang partisipasyon at pagkakahalal sa LCP executive council ay isang makabuluhan at importanteng achievement sapagkat makadaragdag ito sa pagpapalakas ng Filipinas na maging isang venue ng ASEAN, kung saan maaaring talakayin ang mga paksang may kinalaman sa mga polisiyang makapagdudulot ng buti, lakas at pagbabago sa ating bansa.

Ayon kay Malapitan, “ang bagong posisyon sa LCP ay makapagdudulot di’ lamang sa Caloocan kundi maging sa buong bansa ng karagdagang impluwensiya sa ASEAN region, lalo na sa ating President Rodrigo Duterte na kasalukuyang Asean chairperson.

( JUN DAVID )

About Jun David

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *