Friday , November 15 2024

4 sangkot sa droga todas sa vigilante

APAT katao na sinasabing sangkot sa droga ang namatay sa magkahiwalay na pagsalakay ng hinihinalang mga miyembro ng vigilante group na Caloocan Death Squad sa naturang lungsod.

Sa imbestigasyon nina PO3 Rhyan Rodriguez at PO3 Romel Caburog, dakong 7:00 pm, nag-iinoman sa 243 Camia St. sina Mark Anthony Gonzales, dog trainer, at Danica Sobrapinya, kapwa 21-anyos, ng Park 2, Camia St., Brgy. 185, Malaria kasama ang kanilang mga kaibigan nang dumating ang tatlong armadong lalaking pawang naka-bonnet at facemasks saka walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.

Nauna rito, dakong 6:30 pm, nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan malapit sa kanilang bahay ang construction worker na si Daniel Albano, 27, ng 164 Santo Cristo, Tala Brgy. 187 nang dumating ang dalawang hindi kilalang armadong lalaki at walang sabi-sabing pinagbabaril sa katawan ang biktima.

Sa Brgy. 20, natutulog sa loob ng kanyang bahay sa 4 Kabulusan 2 ang 17-anyos estudyante na si Albert Samson dakong 2:15 am nang pasukin ng hindi nakilalang mga suspek at siya ay pinagbabaril.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *