Friday , November 15 2024

Pagtuturo ng wikang Filipino dapat isaayos – Almario

NANAWAGAN si Komisyoner Almario sa mga guro at ahensiya ng edukasyon na maging seryoso at isa-ayos ang pagtuturo ng Wikang Filipino.

Sinabi ito ng Pambansang Alagad ng Sining at Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Virgilio Almario, nang dumalo bilang tagapagsalita sa isang reoryentasyon para sa mga guro mula sa iba’t ibang pamantasan sa Benitez Hall, Unibersidad ng Pilipinas sa Quezon City.

Makaraan ang Buwan ng Wika nitong Agosto, kom-piyansa ang Tagapangulo na kompara sa mga nagdaang taon, higit na naging matagumpay sa pagpapa-laganap ng kanilang adhikain sa loob ng isang buwan na pagdaraos ng natu-rang selebrasyon.

“Gumagawa talaga kami ng mga naiibang uri ng programa, hindi ‘yung mga usual,” ani Almario sa ekslusibong panayam ng Hataw.

Bukod sa mga gawain ng KWF na pagpapausbong sa wikang Filipino, kaisa rin ang komisyon sa kampanya ni Pangulong Duterte kontra ilegal na droga.

Isinasakatuparan ito ng KWF sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga propaganda materials sa wikang Filipino, gaya ng anti-drug posters na nakasulat sa wikang Ingles.

Bagama’t tatlong taon na lamang ang natitira sa termino, ipinagmalaki ng Tagapangulo na may planong pangmatagalan ang KWF na aabot hanggang 2020. Ipa-tutupad ito kahit sino man ang papalit sa kanya bilang tagapangulo ng komisyon.

May mga inihahandang programa ang Tagapangulo at ang KWF gaya ng International Conference sa pagsasalin at International Conference on Philippine Studies, na parehong isasagawa sa wikang Filipino.

Sa kabila ng mga nakamit ng KWF, aniya, marami pa ang kaila-ngang gawin upang maipalaganap at mapaunlad ang wikang Filipino.

“Kailangan maging mas purposive ang pagpapalaganap ng Filipino bilang wikang panturo sa tertiary level kasi hindi pa ginagawa ‘yun,” diin ni Virgilio.

Nais nila na maging ang publikasyon ng mga libro sa iba’t ibang disiplina at larang ang maisulat sa wikang Filipino.

Aminado si Almario na malaking trabaho iyon na hindi kakayanin ng KWF mag-isa.

Aniya, nangangailangan ang komisyon nang mala-kihang kampanya at suporta ng mga ahensiya ng edukasyon gaya ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (Ched) at TESDA.

Higit sa lahat, kailangan ng KWF ng suporta ng Presidente Duterte.

nina Kimbee Yabut at Julyn Formaran

About Kimbee Yabut at Julyn Formaran

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *