Friday , November 15 2024

Babuyan kung babuyan

KAMAKAILAN lang mga ‘igan, naging isyu ang pagbabantang ginawa umano ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na magkakababuyan sila (sa Laos) ni US President Barack Obama (kung saka-sakali) sa isyung extrajudicial Killings.

Bagamat, napakalaking usapin ito sa kasalukuyan, ay hindi papipigil si Ka Digong sa tunay na naisin niya sa bansa.

“I don’t respond to anybody, but to the people of the Republic. Wala akong pakialam. Who is he? I only answerable to the Filipino people who elected me as President, period. Nobody but nobody should interfere. This is an independent country. Nobody has the right to lecture on me. God, do not do it,” matapang na winika ni Ka Digong.

Sa winika ng mama, ‘ala umano siyang balak giyerahin si Mang Barack, ang sa kanya lang mga ‘igan, wala umanong karapatang rendahan ang sino man, maging siya, bilang Pangulong Duterte ng bansa, upang ipaliwanag, partikular ang tungkol sa extrajudicial killings.

Ngunit sa pagpapaliwanag ni Pres. Obama, binigyang-diin niya na kinakailangan umano ang due process o ang tamang proseso sa pagsugpo ng ano mang krimen, maging ang droga.

So, human rights pa rin mga ‘igan ang usapin  sa puntong ito.

Ang personal na pag-atake ni Ka Digong, mga ‘igan, kay Obama ang naging dahilan umano ng kanselasyon ng bilateral meeting” ng dalawang presidente. Pero mga ‘igan, sa kabila ng mga komento ni Ka Digong kay Pres. Obama, sinisigurado ang relasyon ng Filipinas at America ay mananatiling matatag.

Sa totoo lang mga ‘igan ang extrajudicial killings ay isang global issue. Hindi maiiwasang hindi pag-usapan kung kinakailangan. Maging sa Filipinas ay ganoon din. Ilegal sa tingin dahil sa pagtapak umano sa karapatang pantao, ay pumapabor naman sa ilan nating mamamayan dahil matutuldukan na umano ang pamaiminsala ng droga sa bansa.

Naging marahas man sa tingin ng iba, suportado pa rin si Ka Digong ng taongbayan, dahil sa magandang layunin nito sa tunay na pagbabago ng bansa. And take it from Sen. Leila Delima, mahahasa umano si Ka Digong sa diplomasya, sapagkat bilang pangulo ng bansa, lahat ng kanyang bibigkasin ay maaari umanong maging policy at official statements.

Pero ‘igan, puwera rito ang pagmumura he he he…

PLAZA LAWTON

HUWAG TANTANAN

ANAK ng teteng mga igan, sa magkanong dahilan at hindi magalaw-galaw ang “illegal terminal” at “illegal vendors” d’yan sa Plaza Lawton?

Talaga bang wala na kayong galang sa ating Bayaning si Andres Bonifacio?  Sino-sinong kawatan ang sangkot sa katiwaliang ito?

Ayon sa aking “Pipit” na malupit, malaking pera ang nakokolekta sa mga illegalities sa nasabing Plaza. Pero, kaninong bulsa dumideretso ang salapi? Aba’y siyempre ‘igan, hati-hati ang mga ulupong!

Ang testigo, si Andres Bonifacio mismo!

He he he!

Sa pag-iikot-ikot ng aking “Pipit” na malupit, nasaksihan niya ang pakikipagsabwatan ng mga pulis na naka–assign dito. Nagpapakasasa umano ang mga animal na pulis. Aba’y teka, nasaan si police commander, na dapat ay pumipigil sa katarantaduhang ‘yan? Tama si Pipit, aba’y hindi ba nakikita ang nagkalat na illegal vendors? Ang nagkalat na basura dulot ng illegal vendors?

Dagdag ng aking Pipit, ang pinakamalaking usapin dito ay ubod nang panghi at baho sa lugar dahil sa illegal terminal.

Paano nga naman matutuldukan ang katarantaduhang ito kung ang mga pulis, maging ang commander nila ay bulag at sira ang pang-amoy, sus ginoo!

Ano naman kaya ang masasabi ni Punong Barangay, na sumasakop sa Plaza Lawton?

“Ayun po, nagpapaka-ligaya rin sa koleksyon,” ani Pipit.

Aba’y pulis na matulis, mga bossing, kung may katotohanan ang ibinulalas ng aking Pipit, tuldukan na ito nang hindi na madamay pa ang ibang matinong pulis sa Plaza Lawton.

Kaya, paging TOKAYO GEN. BATO, hindi yata natatakot sa ‘yo ang police commander sa Plaza Lawton?

Aba aba aba…Sir sampolan na po!

E-mail Add: [email protected]
Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *