Sunday , December 22 2024

Abu Sayyaf nagbabala ng maraming pagsabog

MATAPOS ang karumal-dumal na pagpapasabog sa night market sa Davao City noong Biyernes, na 14 na buhay ang nasawi at mahigit 70 tao ang sugatan, nagbabala ang Abu Sayyaf Group (ASG) na marami pang susunod na pambobomba.

Ayon kay Abu Rami, tagapagsalita ng ASG, ang naganap daw sa Davao ay panawagan ng pagkakaisa para sa lahat ng mujahideen at Islamic State (IS) sa bansa sa gitna ng opensiba ng militar laban sa kanilang grupo.

Ang international terrorist group na IS na pinanumpaan nila ng katapatan ay may pagkakaisa raw sa Filipinas. Hindi raw sila natatakot kay President Duterte at sa kanyang taktika sa giyera, kahit ipadala pa niya sa Jolo ang lahat ng tropa sa Filipinas.

Ang pag-atake umano sa Davao City ay hindi taktika upang mailihis ang atensiyon ng puwersa ng gobyerno sa pagtugis sa ASG sa Sulu at Basilan. Asahan daw ang katulad na mga pag-atake sa mga susunod na araw.

Dahil sa pagsabog sa Davao City ay nagdeklara ang Pangulo ng “state of lawless violence” sa buong bansa. Nagdeklara rin nang todo alerto ang PNP at DILG. Pinapayuhan nila ang mga mamamayan sa buong bansa na maging mapagmasid at pansamantalang umiwas sa mga mataong lugar.

Kung paniniwalaan ang pahayag ng tagapagsalita ng ASG ay kinokompirma nito ang noon pang katanungan kung napasok na ba tayo ng teroristang IS. Gayonman, walang nakatitiyak kung totoo ito, tinatakot lang nila ang gobyerno o pinalalakas lang nila ang loob ng isa’t isa.

Hindi madaling buwagin ang ASG dahil bukod sa kuta nila sa mga gubat at bundok ay marami sa kanila ang kahalubilo at tinutulungan ng mga residente ng barangay bunga ng takot, o kaya ay dahil kaanak sila.

Ang ASG ang sinisisi sa maraming pambobomba, kabilang na ang pagpapasabog sa isang ferry sa Manila Bay noong 2014 na kumitil sa 116 tao.

Kilala rin ang grupong ito sa paghingi ng ransom kapag may dinukot sila, at pagpugot sa ulo ng binihag na dayuhan o Filipino kapag hindi naibigay ang pera na hinihingi.

Bilang tugon sa opensiba noong 2005 ay binomba ng ASG ang Davao, isang kalapit na lungsod at ang Maynila.

Ngayon ay maliwanag na nasasaktan muli ang ASG sa opensiba ng gobyerno kaya desperado na sila. At ang mga desperadong tao, tulad ng nasusukol na mga hayup, ay lubhang mapanganib.

Mahalagang mag-ingat ang mga mamamayan at magbantay nang husto ang mga awtoridad.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *