Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PSC Chairman William “Butch” Ramirez parang ‘insecure’ sa pagsikat ni Hidilyn Diaz?

CORRECT me if I am wrong, Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez.

Pero, batay na rin sa binitawan ninyong salita, ‘e mukhang nai-insecure kayo kapag ang athlete ang ini-interview?

Tama ba namang sabihin na, “sana lang hindi siya mag-artista.”

Pagdating kasi ni Hidilyn Diaz, ang ating silver medallist sa Rio Olympics, nagkaroon agad ng coverage sa kanya ang iba’t ibang TV networks.

Sunod-sunod din halos ang interview sa kanya sa mga TV at radio.

Normal lang iyon dahil si Hidilyn ang nagbalik ng pangalan ng Filipinas si Olympics.

Naitanong lang ni Boy Abunda kung sino ang gusto niyang gumanap sa role niya kung maipalalabas ang buhay niya sa pelikula o telebisyon na sinagot niyang si Angel Locsin, aba, feeling yata ni Chairman Butch ‘e gusto nang mag-artista ni Hidilyn!?

Inisip nating biro ang komentaryo ni Chairman Butch pero nang idinugtong niyang sila raw ang responsable kung bakit naging national athlete si Hidilyn na tumatanggap ng suweldo mula sa gobyerno sa pamamagitan ng NSC, ‘e napagtanto natin an may laman ang kanyang komentaryo.

Sa katunayan umano, mayroong quarter si Hidilyn sa PSC Dormitory kasama ang iba pang national athletes para sa iba’t ibang uri ng sports.

Marami pang laban si Hidilyn, sa 2017, sa Southeast Asian (SEA) Games sa Malaysia; sa 2019 sa Asian Games sa Indonesia; sa 2018 SEA Games dito sa ating bansa at sa Tokyo sa 2020 Olympics.

081016 Hidilyn Diaz

“Gintong medalya” ang hangad ni Hidilyn sa Tokyo at pagkatapos noon magreretiro na siya. Kitang-kita ang determinasyon ni Hidilyn na bigyan ng karangalan ang bansa.

Pero ang tila ‘panunumbat’ ni Chairman Butch ay hindi nakatutulong sa morale ng ating national athletes.

Ang ‘panunumbat’ ay o pagdududa na baka mag-artista o mag-iba ng larang ang isang national athlete ay hindi nakatutulong sa kanilang motibasyon.

Gusto tuloy natin isipin, may pagkukulang ba ang PSC para isipin ng Chairman na kung may pagkakataon o greener pasture ‘e iiwan sila ng mga national athlete?

Kung walang pagkukulang ang PSC, hindi nila dapat pinagdududahan ang mga national athlete dahil hindi ito makatutulong.

By the way, naresolba na ba ng PSC ang unliquidated funds na kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) noong nakaraang administrasyon?

‘Yan dapat ang harapin at atupagin ninyo Chairman Butch. ‘Yan ang dapat ninyong ipaliwanag sa publiko.

Hindi ‘yung, nag-uumpisa pa lang umarangkada ‘yung athlete ‘e pinabababa na ninyo ang morale.

By the way, ano ba ang ibig ninyong sabihin na kayo ang ‘reponsable’ sa pagiging national athlete ni Hidilyn?

Ibig sabihin ba nito na gusto ninyong makiparte sa P5 milyon plus P2 milyon na incentives na natanggap ni Hidilyn?!

Tayo naman ay nagtatanong lang po…

LAWTON ILLEGAL TERMINAL
‘PASOK’ NA BA SA BAGONG
HEPE NG MPD-TEU?

010616 manila mpd

‘Yan ang lumang katanungan sa mga pasaway na operator at protektor ng ilang ilegalista sa Maynila kapag mayroon bagong opisyal na nakapwesto sa Manila Police District (MPD).

Gaya sa MPD Tara-fix ‘este Traffic Enforcement Unit na pinamumunuan ngayon ni P/Supt. LUCILLE FAYCHO.

Base sa umpukan ng KOLORUM vans at UV express sa illegal terminal sa Lawton sa tapat mismo ng Philpost ay ipinagmamalaki raw ng illegal terminal operator na si Joy Burikak na ‘areglado’ na raw ang MPD-TEU.

Anong areglado?! Saan?!

Hindi pa rin daw matitinag ang illegal terminal operation sa naturang lugar dahil kontrolado pa rin ang tara y tangga sa mga kinauukulan diyan sa city hall?!

Sonabagan!!!

Mukhang sasakit daw ang ulo ni MPD-TEU chief Kernel Faycho sa illegal terminal operator na malakas mag-name drop sa pangalan ni Yorme Erap?!

Ano ba talaga Kernel Faycho, nagkausap na ba kayo ni Joy Burikak para ‘ayusin’ ang illegal terminal operation niya sa Lawton?!

DAGDAG TARA NG MPD-TRES?!

GOOD day sir Yap, pakibulabog naman ang matalas na tauhan ngayon ng PRESINTO TRES, hindi raw sila kontento sa dating hatagan ng tarya kaya sunod2x ang PATAAS-TARA at dagdag INTELIHENSIYA. Sir Yap, hindi naman lahat ng naglalatag ng sugal ay kasing lakas nila Tata Paknoy. Tiba2 c Boy Tong Wong na bagman ng tres.

+639176199 – – – –

MADAM ARLENE ANGELES
MAY PAMATO NA RAW
SA DUTERTE ADMIN?

BOSS Jerry mukhang makalulutang na ang matagal nang nagtatago na si Madam Arlene Angeles, ang bigtime court FIXER sa Maynila. Sa tulong daw ng isang Youth appointed committee chairman na KAANAK ng isa sa trusted person ni madam Arlene ay maayos na at makakalutang na cya. Info from one of your BALUT TONDO member.

+63915484 – – – –

PAGBABALIK NG DIVI
VENDORS SA GITNA
NG BANGKETA!?

KA Jerry nalalapit na ho ang pagbabalik ng mga vendor sa Recto Divisoria. Nahilot na raw ng mga lider sina CHE BORROMEO at LITTLE MAYOR D.A. Nagsalubong na raw sa weekly tara pero may bagong goodwill pa rin. Huwag po ninyo sana ilabas ang numero ko. Maraming salamat sa gaya ninyong napagsusumbungan namin at kakampi ng masa Ka Jerry! – Soler-Recto Vendor

+63920663 – – – –

REKLAMO SA GUWARDIYA
SA ESPIRITU SANTO

GOOD pm Sir Jerry. Complain ko lang guard tabi ng parish office Agoy2 Jr. Napapikit lang siya kaagad pero ‘yung matanda may dalang bag ninanakaw araw2 Sampaguita ‘di n’ya mahuli. Sana mkarating kay Willmer del Rosario kura paroko ng Espirito Santo. Salamat po.

+63906951 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *