Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Criminology student kritikal sa 3 kalugar

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang criminology student nang pagtulungan pagsasaksakin ng tatlong kalugar makaraan ang mainitang pagtatalo sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Vicente Barnido, 21, ng Block 48-G, Lot 25, Brgy. Longos ng nasabing lugar.

Nakapiit sa detention cell ng Malabon City Police ang mga suspek na sina Argie Suarez, 20, at Samuel Berones, 20, habang pinaghahanap ng mga pulis si Anastacio Sandig, nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon nina PO3 Julius Mabasa, PO2 Jose Romeo Germinal II, dakong 12:45 am, nag-iinoman ang mga suspek sa Block 48 Plaza nang dumating ang biktima upang bumili ng sigarilyo.

Sa puntong ito, nagkaroon ng kantiyawan sina Barnido at Suarez na nagresulta sa mainitang pagtatalo hanggang sa pagtulungang pagsasaksakin ng mga suspek ang biktima.

( ROMMEL SALES )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …