Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ang ‘special request’ ni Robin Padilla kay Presidente Digong

SA madaling sabi, dapat may exemption to the rule?

Ganoon ba ‘yun idol Robin Padilla?

Ang tanong po nating ito ay kaugnay ng tila special request ng ‘idol’ natin kay Presidente Rodrigo “Digong” Duterte na huwag munang pangalanan ang mga artista o nasa entertainment industry na gumagamit ng droga o ‘yung mga nagtutulak ng droga.

Ang taga-showbiz ba ay privileged class or sector para mag-request ng exemption si idol Robin?!

Paano naman ‘yung ibang mga napangalanan na? Hindi ba’t unfair din ‘yan para sa kanila?!

Hindi nagbibiro ang inyong lingkod kapag tinatawag nating ‘idol’ si Robin.

Isa talaga siya sa mga hinahangaan kong aktor sa showbiz.

Kasi nakikita natin sa kanya na mayroon siyang leadership quality. Matatag ang paninindigan at prinsipyo.

Kaya naman nanghihinayang tayo na sa kanya natin naririnig ang mga ganyang salita.

Aba napakasuwerte naman pala ng mga taga-showbiz na masasabi nating sangkot sa droga kasi lumalabas na mayroon silang big brother protektor — sa katauhan ni ‘idol’ Robin.

‘Yun lang, nanlamig talaga tayo nang marinig natin sa kanya ang mga salitang ‘yan.

082716 robin padilla duterte

Hindi ba’t bilang artista dapat ‘e maging huwaran si ‘idol’ Robin sa mga kabataan sa mainit na isyu ng droga?!

Kung hindi tayo nagkakamali, nagpatayo ng gusali sa National Bilibid Prison (NBP) para sa mga preso na gustong magpa-rehab.

Nang lumaya siya, inihabilin niya ito sa tatay ng aktor na si Marvin Agustin. At nang makalaya ang tatay ni Marvin Agustin inihabilin naman ito sa isang Lito delos Santos.

Sa mga panahon na ‘yan, maayos ang takbo ng rehabilitation program sa loob ng NBP. Take note po, hindi po iyan sa loob ng maximum security.

Sila po ‘yung may sentensiyang anim hanggang 16 taon na handang-handa nang magbagong-buhay kaya tumutulong at umaalalay sa kanilang mga kapwa-preso.

Kung hindi tayo nagkakamali, matagumpay ang programang ‘yan dahil maraming naka-detain diyan ang lumaya sa tamang panahon. ‘Yung iba nga napaaga pa.

Kaya talagang nagtataka tayo kay ‘idol’ Robin kung bakit kailangan pagtakpan ang mga taga-showbiz na sangkot sa droga.

Paano naman ‘yung mga artistang lumantad, umamin at pumayag na sila ay magpa-rehab?!

Maliwanag na masyadong unfair ‘yan sa kanila.

Idol Robin, pakiusap lang, huwag ka nang gumitna…

Ilantad na ‘yang mga nambibiktima sa entertainment industry!

‘Yun lang idol!

TITAN KTV BAR & CLUB
‘KAKAIBANG-KAKAIBA’
ANG SEX/HUMAN
TRAFFICKING!

FIESTA!

Ganito isalarawan ng mga parokyano ng Titan KTV Bar & Club ang promosyon ng club operator na kung tawagin ay Akibang Hapon.

Fiesta as in humahataw sa all-the-way service sa kanilang VIP room.

Kakaibang-kakaiba talaga ang operator na si Akiba Yakuza!

Tiba-tiba nga raw kay Akiba ang Pasay PNP sa nakaraang raid/pakilala sa kanila?!

Balita nga nakatkong pa ng club manager na si Bernie Bugaw ang pa-dulas na P500k?!

Hindi kaya sila napapansin ng task force na anti-human trafficking ng CIDG at NBI?

‘E how about, Bernie Bugaw?!

Totoo bang mahina ang P200,000 hinihingi ni Bernie Bugaw kay Akibang Hapon para ibayad sa payola sa pulis at NBI?

Puwera pa raw diyan ang budget sa media!

Magkano naman kaya ang naibubulsa ni Bernie bugaw mula sa intelihensiyang ipamimigay niya?!

By the way, ‘nahuli’ na ba ng DOH si Akiba na isang HIV/AIDS carrier!?

BIKTIMA NG DALAWANG
TULISAN MMDA
SA PASAY ROTONDA

Sir Jerry, pakitulungan po ninyo kami. Itong MMDA sa Pasay Rotonda, lumapit ako para magtanong kung saan ang masasakyan na jeep patungong city hall Parañaque. Ang ginawa sa akin hiningian ako ng P500 kasi jaywalking daw ang violation ko. O kaya raw magwalis ako. Nangyari ito noon 18 July. May sakit ako sa panahon na ‘yun sir Jerry. Kaya ako lumapit sa naka-green nilang kasamahan pero lumapit ang naka-pulang uniporme sa ‘kin at sa halip sagutin ako dinala niya ako doon sa iba pang kasamahan niya. Ito po ang pangalan nila sir, Danilo Corsiga at Lucas Alcaras. May sakit po ako sa panahon na ‘yun. Tumaas ang bp ko. Iparating ko lang sana sa general manager nila Corazon Jimenez. Ma’am magkaiba po ang lumapit at tumawid sa daan. Kapag may hindi ako alam lagi naman akong lumalapit sa MMDA para magpatulong. Kaya nagulat man po ako, nagpatiket na lang ako. Sana makarating ang ganitong problema sa ating Pangulong Duterte. Sir paano naman ang mga katulad naming may sakit na abosohin pa ang karapatan namin. Sana maaksiyonan ang ganitong klaseng mga tauhan ng MMDA.

+639332811 – – – –

TULAK SA LAKANDULA-
LUALHATI TONDO

Mahal naming Mr. Jerry Yap,

Pakipublish po itong aking impormasyon tungkol sa malalaking tulak dito sa Lakandula kanto ng Lualhati Tondo, Manila. Sila po ay si Boy P. na may anak na pulis sa PS2 at pamangkin na pulis sa PS11. mahigit 10 taon po ‘yan nagtutulak ng shabu kasama si Tony “BABA” at Adyong B——a na ang front po ay video karera. Kawawa po ang mga nakafront na tagabenta nila. Pinalalabas ni Boy P. na kaya siya maraming paupahan at sasakyan dahil may mga kamag anak siya sa amerika. Sana makuha sila at mabulatlat ang kanilang kayamanan. Dont publish my number. Thanks po. Concern citizen.

+63919219——

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *