Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Maynila bagsak sa disenteng pamumuhay

HINDI pasado ang kalidad ng mga impraestruktura, pangangalaga sa kalusugan at sistema ng edukasyon.

‘Yan ang katotohanan na gustong isampal ng London-based na Economic Intelligence Unit (EIU) sa mukha ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa rekord ng EIU sa kanilang 2016 Global Liveability Survey, swak sa kulelat na 40 lungsod ang Maynila (104th sa 140 cities) kung paninirahan sa siyudad ang pag-uusapan.

Kumbaga, ang Maynila, ang kabiserang lungsod ng Filipinas, ay hindi matatawag na lungsod kung pagbabatayan ang itinatakda ng mga pamantayan.

Sa Southeast Asia, kulelat na panglima pa rin ang Maynila sa Singapore, Kuala Lumpur ng Malaysia, Bandar Seri Begawan ng Brunei at Bangkok ng Thailand.

Anyway, hindi po tayo ang nagsasabi nito kundi ang London-based na survey firm na ang nagbunyag po nito.

Talagang kung ikokompara sa kanila, malaki ang diperensiya ng Maynila.

Pero sabi nga ng mga Manileño, kailangan pa bang i-memorize ‘yan?!

Ilang taon na silang nagtitiis na wala silang mapalang maayos at libreng serbisyo sa mga pampublikong ospital na dati nilang nai-enjoy noong panahon ni Mayor Fred Lim.

072516  manila city hall

Nawala rin daw maging ang mga ipinamamahaging tulong ni Mayor Lim sa mga mag-aaral mula pre-school hanggang kolehiyo.

Nagkalat ang illegal parking.

Pinakamalaki ang illegal parking sa Lawton na ilang metro lang ang layo sa Manila City hall.

Ang basura?

Kailangan bang paulit-ulit sabihin na nagkalat pa rin ang basura sa Maynila at ang baho?

Sakali mang makuha ang basura, ni hindi man lang nabubuhusan ng tubig para malinis naman ang lugar.

Milyon-milyones po ang gastos ng Maynila sa basura. Hindi ba kasama sa binabayaran nila ang pagbobomba ng tubig na may bleach o chlorine para matanggal naman ang nakasusulasok na baho sa pinagtambakan ng basura?!

Baha. Alam natin kahit saang lugar may baha.

Pero doon sa iba na binabaha kapag wala nang ulan, wala nang baha.

Sa Maynila, sa tapat mismo ng city hall sa bahagi ng Intramuros golf course, isang linggo na, may baha pa rin!

Alam rin ba ninyo na sa kabiserang lungsod ng Filipinas ay mayroong mga lugar na walang malinis na tubig mula sa gripo?!

Sa Maynila po iyan!

Seguridad. Mabuti na lamang at mayroong kampanya ngayon si Pangulong Digong Duterte laban sa kriminalidad lalo na laban sa ilegal na droga.

Dahil kung hindi, tiyak oras-oras mayroong nahoholdap o nananakawan sa Maynila.

Sa totoo lang, gusto nga nating sabihin, may bago ba riyan sa survey ninyo London based EIU?

WALEY?!

BULUNGAN
SA STA. ROSA (LAGUNA)
MAYOR’S OFFICE

082616 STA ROSA LAGUNA

Parang nailipat daw ba ang mga consignacion ng Malabon at Navotas sa Office of the Mayor sa Sta. Rosa, Laguna?

‘E kasi naman daw, maya’t maya ay mayroong taong pumapasok sa tanggapan ni Mayor Dan Fernandez at bulong nang bulong.

Hindi nila maintindihan kung bakit bulong nang bulong…

Ano ba ang pinagbubulungan?

Project? Sideline? Kontrata? Komisyon o posisyon, etc?!

Ano ba nangyari riyan, Mayor Dan?

‘Yan ang kadalasang tanong ng constituents n’yo na nakapasok sa opisna ninyo.

Hindi ba puwedeng lakasan naman ninyo ang usapan at i-share sa mga bisita ninyo kung ano ang inyong mga pinagbubulungan?!

Para tuloy kayong may-ari ng consignacion na nakikipag-usap sa mga fish dealer…

Ay sus!

BULILYASO
SI IO MILDRED
MACATOMAN

082616 immigration passport plane

NITONG nakaraang Linggo, napabalita ang pagkakasakote ng hindi hihigit sa 10 pasaherong Pinay na pawang overseas Filipino workers (OFWs) matapos dumaan sa immigration counter nang wala umanong OECs mula sa POEA.

Napag-alaman na isang Immigration Officer MILDRED MACOTONGAN ‘este mali’ MACATOMAN pala ang siyang dinaanan at nagtatak sa passport ng mga biktimang OFW.

Wattafak!?

Pinakyaw niya lahat ‘yung 10 pasahero!?

Isang timbre umano sa mga Airport Security Group  ang natanggap ng mga awtoridad kaya isinagawa ang entrapment.

Sonabagan!!!

(By the way, wala yatang press release si Spokesperson Mangrobang sa insidenteng ito!?)

Matapos masakote, agad daw ipina-surrender ang kanyang sariling pantatak (immigration stamp) pati na ang tsapa ni IO Macotoma ‘este’ Macatoman dahil siya ang sinabing ‘huling’ nagproseso sa passports ng mga OFW!

Hindi ba natunugan ni Bisor Rico ‘BMW’ Pedrealba ang tangkang salyahan na ito!?

E sino naman kaya ang duty TCEUs nang masabit ang nasabing IO?!

Imposibleng kumana nang solo flight si Madam IO Macatoman at hindi man lang tumimbre kung ganoon karaming pasahero ang kanyang tinatakan?!

Checking on the background of IO Macotongpats ‘este mali na naman’ Macatoman pala, mukhang mas marami pa raw Immigration Officers ang natuwa kaysa nagsimpatiya nang malaman nila ang naging bulilyaso ‘este kapalaran niya.

Tsk tsk tsk!

Mahirap raw talaga ‘pag SOLOISTA ka!

REACTION
SA ILLEGAL DRUG
KILLINGS

GOOD pm sir, bakit kung Pinoy na pinaghihinalaan lang na user, pnapatay na ng pulis pero ‘yun Chinese na nahuli sa Subic na may ebidensiya na kalahating kilo ng shabu hndi pinatay. Pinoy na hikahos lang pala ang kaya bang patayin, sir Jerry Yap? Alam mo umabuso na rin ang pulis sir Jerry, kakatok cla tapos pag bnuksan mo barilin ka tapos taniman ka ng baril na paltik at shabu na tira nila. Tapos sabihin nla na nanlaban. Kaya d matatapos ang krimen kasi maghiganti talaga ‘yung mga kapamilya ng biktima sir Jerry. Kung lumabag sa batas hulihin lang dapat hndi patayin. Wala namang batas sa demokrasyang bansa na nagsasabi na kill the violator sir Jerry. Kaya nga tama ang sinabi ng kaibigan ko na darating ang panahon na maging worse ang situation ng Filipinas pag patay dto patay doon sir Jerry.

+63950299 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *