‘IKA nga ni Ka Digong mga ‘igan, “Change is coming.”
Ganito rin naman ang nais iparating ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sambit nila’y “Change is Coming to PRRC.” Correct ka d’yan ‘igan! Panahon na rin upang lalo pang pag–ibayuhin at pagyamanin ang ating likas na yaman, partikular ang mga ilog. Ayon sa nilikhang Executive Order No. 54, as Amended by Executive Order No. 65 ng PRRC: “…is mandated to ensure that the Pasig River is rehabilitated to its historically pristine condition conducive to transport, recreation and tourism. Layunin din mga ‘igan ng Commission na i-upgrade ang waterway. ‘Ika nga, to attain a Class C Water Quality.
Ang pagsasakatuparan mga ‘igan ng magagandang mithiin para sa bayan ay nasa paki-kipagtulungan at pakikiisa ng lahat. Hindi ito magagawa ng iisang tao lamang at mangyayari sa iisang iglap. Ito’y pinag-uusapan at pinagpapla-nohan para sa kapakinabangan ng lahat.
Dahil dito’y walang humpay ang Pasig Ri-ver Rehabilitation Commission sa mga proyekto at mga programa para sa kanilang sinasabing… “Change is coming to PRRC.” Mga ‘igan, kamakailan lang, ginanap ang Environmental Management Committee Meeting ng PRRC upang mai-detalye at mapag-usapan ang mga isyu at mga problemang kaakibat dito.
Sa Pasig River Rehabilitation Commission sa pangunguna ng kanilang executive director na si Ramil R. Tan, saludo po ang BBB sa tunay na pagbabagong ibinabahagi ninyo sa samba-yanang Filipino.
Nawa’y magtuloy-tuloy na ‘igan ang ika nga’y… “Change is coming to PRRC!”
Good Luck!
PAGHAHANDA NG DENR PARA
SA WQMA DESIGNATION
PURSUANT to Section 5 of the Philippine Clean Water Act of 2004 (R.A. 9275), DENR Administrative Order No. 2005 – 10, the Implementing Rules and Regulations of R.A. 9275 and Section 20 of the same DAO, the Las Pinas – Paranaque – Zapote River System or MuntiParLaspi Zap River System will be designated as Water Quality Management Area (WQMA) by the Department of Environment and Natural Resources (DENR) thru the Environment Management Bureau – National Capital Region (EMB – NCR).
Bilang parte mga ‘igan ng paghahanda para sa ika nga’y WQMA Designation, aba’y ang Environmental Management Bureau – National Capital Region (EMB–NCR) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay nasa proseso na ng pangangalap ng mga mahahalagang detalye at impormasyon mula sa kani– kanilang “Local Government Units (LGUs), na kasama sa WQMA.
Napakagandang Proyekto at mga Programa mga ‘igan. Kung si Ka digong ay para sa paglilinis ng mga Krimen ng bansa, partikular sa mga may kinalaman sa Droga, isama o’ idugtong mo pa ang mga Programa at Proyekto ng Pasig River Rehabilitation Commission at ng Department of Environment and Natural Resources, na may kinalaman sa ating Kapaligiran at Likas na Yaman… aba’y tuloy na tuloy na nga mga ‘igan ang tunay na pagbabago ng P’nas. Ika nga ni Ka Digong…Tunay na Pagbabago…Tungo Lahat sa Sabay–sabay na Pag-ulad ng Sambayanang Pilipino. Hindi lang ‘yan mga ‘igan, lahat ng ‘yan ay tungo sa kapakinabangan ng lahat. Hari nawa’y Makiisa at Makisangkot ka, kung tunay kang Pilipino ‘igan. Simula na ng Pagbabago, makialam at matututong manindigan para sa ating Bayan. Kumilos na ngayon, sapagkat kung hindi ngayon, kailan pa nga naman. Good Luck na lang sa mga nangyayaring pagbabago…at mangyayaring pagbabago…
E-mail Add: [email protected]
Mobile Number: 09055159740
BATO-BATO BALANI – ni Johnny Balani