Digong gustong idamay ni Sen. Alan Cayetano vs away sa media?
Jerry Yap
August 24, 2016
Opinion
SI Kuya Alan mukhang hindi pa rin maka-move-on kahit matagal nang tapos ang eleksiyon…
Nagpapa-bitter-bitter ba talaga si Senator Alan Peter Cayetano sa media o nagpapansin o nagpapapogi siya kay President Rodrigo “Digong” Duterte?!
Kasi naman, sinabi niya sa Senate hearing na ‘kasalanan’ daw ng media (na naman!?) ang lumolobong bilang ng mga napapaslang o extrajudicial killings dahil sa illegal na droga.
Kumbaga, parang pinapalaki lang daw ng media ang bilang ng mga napapaslang.
Wattahek!?
O sige cuentas claras…
Nitong Lunes sinabi ni C/PNP Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa na ang death toll ay tumaas sa 1,779 (712 sa police operations, 1,067 hinhinalang ginawa ng vigilantes) at mula nang araw na iyon, mahigit 1,000 ang kanilang iniimbestigahan o ibig sabihin mahigit 100 kaso bawat linggo.
Si Chief PNP po ang nagsabi niyan hindi media.
Sa ganang atin lang, Senator Alan, nationwide po ang kampanya laban sa ilegal na droga, kaya gusto namin kayong tanungin, naliliitan ba kayo o nalalakihan sa bilang na ‘yan?!
Kasi kung maliit ang bilang na ‘yan para sa inyo, ibig sabihin hindi nagtatrabaho ang PNP?!
Sang-ayon ba kayo, DG Bato?
Kung nalalakihan naman kayo sa bilang na ‘yan, aba, ‘e hindi pala tama ang estadistika ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na umaabot na sa 3.5 milyon katao ang bilang ng mga adik at drug pushers sa Filipinas?!
Ganoon ba ‘yun, Senator Alan?!
Ikatlo at higit sa lahat, wala pong kinalaman ang mediamen kung bakit sa tingin ninyo ay malaki o maliit ang bilang ng mga napapaslang dahil sa ilegal na droga.
Hindi po mediamen ang nagsasagawa ng anti-drug operations — klaro ang sabi ni DG Bato, police operations and vigilantes.
English naman ‘yung pagkakasabi ni DG Bato kaya naniniwala kami na mabilis ninyong naintindihan ‘yun.
Anyway, ano ba ang inyong objective sa paninisi sa mediamen?!
Gusto ba ninyong bigyang babala ang Pangulo at ang chief PNP?!
O type n’yo lang awayin ang media men?!
O nagpapapansin kayo kay Pangulong Digong kaya parang idinadamay ninyo siya sa pagpuna ninyo sa media?!
E ano ba talaga, Senator Alan?!
Pakisagot na nga!
Sa pagpapabaya sa OFWs
DOLE SECRETARY BEBOT
BELLO NABUWISIT
AT NAGBANTA SA POLO
GALIT na galit si Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello sa mga kinatawan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) gaya nina Riyadh Attaché Rustico dela Fuente at Jeddah Attaché Janal Rasul Jr.
Ayon kay Bello, grabe ang pagpapabaya na ginagawa ng mga nasabing opisyal sa overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Saudi Arabia.
Hindi ba’t umabot na nga sa 11,000 ang mga Pinoy na walang trabaho sa Middle East at hindi makabalik sa bansa?!
Hindi lahat ng Pinoy ay mahusay dumiskarte. Marami rin sa kanila ang takot dahil wala nga sila sa sariling bayan.
Pero imbes tulungan at asikasuhin ang mga kababayan natin na stranded sa Saudi Arabia, hinayaan lang sila ng dalawang labor attaché.
Ganyan po ang trabaho ng mga labor attaché na ‘yan na ang suweldo ay mula sa katas ng taxpayers’ money.
At mismo sa dollar remittances ng OFWs.
Pero kapag mayroong problema o insidendenteng kailangan ng tulong — ang mapapala ng OFWs — WALEY!
Nganga lang talaga sila?!
Matagal na po ‘yan Secretary Bello.
Matagal na matagal na at alam namin na alam ninyo ‘yan..
Huwag na ninyo pahabain pa ang pagdurusa ng mga OFW.
Palayasin na ninyo ‘yang mga patabaing labor attaché na ‘yan!
Sa Café Adriatico
SEN. GRACE POE
GUEST SA KAPIHAN
SA MANILA BAY
NGAYON
Ngayong umaga ay magiging panauhin sa nangungunang weekly news forum na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Manila si Senator Grace Poe.
Inaanyayahan po natin ang mga kapatid sa media na makipagtalakayan sa kanya, ganap na 9:00 am – 11:00 am.
Tara na!
KOMENTO SA MGA KONTRA
MARCOS BURIAL SA LNB
SA mga kontra sa pagpapalibing ky Marcos, magsimula na kau mag-rally pero kung 2 million lang kau shut up n lang kau. Dapat 5o million ang sasama sa inyo kalahati ng population natin, ‘yan ang tama kz dun natin malalaman na talagang ayaw ng tao ilibing xa run pero kung 5m lang shut up n kayo. Baka maulit lang ung 1m sa EDSA para mapaalis c Marcos. Kalokohan yun mga hakot. Mabuti pa panahon ni Marcos mura bilihin konti ang krimen. Dapat xa ilibing dun kz sundalo xa.
+639151540 – – – –
LIMANG BUWAYANG
KOTONGERO
SA MARCOS HI-WAY
Sir mga Kotengerong Pasig trapik enforcer. D2 sa me marcos highway sa me Petron at shell. araw2 n lng nangongotong mga trapik enforcer ng Pasig. 3 hanggang 5 sila na nakamotor na malalaki ang tiyan. kawawa ang trak at mga delivery van sa kanila.yun mga private na nasa kaliwa at dumerecho huli rin ang kaso innering meron bang ganun? Gumigitna pa ng highway yang mga gagong yan makahuli lang. Last saturday n Sunday bagyo na nandoon pa rin cla. Ang kakapal tala ha.Kakutsaba din nila ang cenro smoke belching naman. Talagang walang patawad. Bakit d cla magtrapik sa kanto ng ligaya at marcos na ginagawang illegal terminal ng mga jeepney.
+63920931 – – – –
TULUNGAN NATIN
SI PRES. DUTERTE
KAKAIBA c Pres. DU30 s lahat naging pangulo. Wala syang cnasanto. Wala syang takot na banggain ang malalaking tao, makapangyarihang tao at maimpluwensyang tao.para sa kanya,isusugal nya ang buhay nya para masugpo ang droga sa bansa.kaya dapat tulungan natin
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN – Jerry Yap