DEADMA lang si Piolo Pascual sa intriga sa kanila ng kanyang anak na si Inigo na may kinalaman sa larawan na trending ngayon sa social media. Roon ay magkatabing natutulog ang mag-ama na nakahiga sa dibdib si Inigo ng ama.
Ayon sa mga malalapit kay Piolo, likas ang pagiging malambing ni Inigo. Hindi nga raw ito nahihiyang humalik sa ama at yumakap na natural lang sa isang anak.
Sa panayam kay Pilo, nilinaw nitong dalawang buwang silang hindi nagkita ng kanyang anak dahil nagbakasyon siya sa ibang bansa.
Aniya, matagal na siya sa industriya at hindi na bago ang mga intrigang ipinupukol sa kanya kaya hinayaan na lamang niya ang mga ito.
( ALEX DATU )