Monday , December 23 2024

Maynilad makupad magtrabaho sa Sucat

Nakaiinip nang tingnan o subaybayan ang project ng Maynilad sa Sucat Road sa Parañaque City.

Ang project na ‘yan ay nagsisimula sa paglampas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal hanggang doon sa mga susunod na barangay sa kahabaan ng Sucat Road.

Kung hindi tayo nagkakamali, halos ilang buwan nang ginagawa ‘yang project na ‘yan na nagdudulot ng matinding pagsisikip ng trapiko sa kahabaan ng Sucat Road.

Wala namang problema kung mayroong project na ganyan ang Maynilad.

Sabi nga nila, ipagpaumanhin ang abala para sa pagdaloy ng ginhawa.

Tayo naman ay nakauunawa sa mga ganyang situwasyon at kondisyon pero ang hindi natin maintindihan bakit tila pinatatagal ng Maynilad ang abala.

Iilan lang kasi ang nakikita nating nagtatrabaho. Siyempre kung kaunti lang ang nagtatrabaho talagang babagal at tatagal ang trabaho.

At iyon ang gusto nating ipakiusap.

Madalas kasing sinasabi ni Maynilad Chairman Manny Pangilinan na ang Maynilad ay mayroong napakahalagang papel sa “nation building.”

Aba, e kung lagi namang makupad ang kanilang mga proyekto, paano naman tayo maniniwalang makatutulong ‘yan sa nation building?!

Hala nga, paki-explain lang Chairman Manny?

Sabihin naman ninyo sa contractor ninyo, dagdagan ang mga tao nila…

Hindi ba’t DMCI Holdings at ang pag-aari ni Chairman Manny na Metro Pacific Investments Corporation ang nakakontrata sa Maynilad?!

Pakibilisan naman po ang trabaho!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *