HINIHINTAY na lang daw ni Marian Rivera na matapos ang mga kompromiso sa GMA-7 at muling iiwan ang pag-aartista para bigyan ng tamang atensiyon ang kanilang anak ni Dingdong Dantes na si Baby Letizia.
Ito kasi ang panahong gusto nilang mag-asawa na nakatutok sakanilang anak para mag-alaga at ayaw ipaubaya sa yaya.
Pero how true na ang totoo raw dahilan ay gusto na nilang sundan si Baby Zia?
Nanliligaw pa raw uli ang aktor sa magandang misis sa pamamagitan ng pagbibigay ng roses na sobrang ikinatutuwa ng aktres.
Sobrang mahal ng mga tagahanga si Marian kaya pinag-uusapan pa lang ang pansamantalang pamamaalam sa showbiz ay nag-aalburoto na ang mga sabay sabing, puwedeng pagsabayin ni Marian ang pag-aartista at pag-aalaga kay Baby Zia.
ni ALEX DATU