SINO itong aktor na umaming wala siyang pakialam kung anong imbentong tsismis ang ipukol sa kanya. Isa na rito ang tsikang bakla ito sa tunay na buhay. Isang bagay na pinagtatawanan lang niya dahil kilala naman nito ang sarili dahil babae ang gusto niyang makaparter sa kama o maging karelasyon.
Hindi siya nagpapaapekto sa ganitong tsismis dahil alam niya ang patakaran sa showbiz na kung umaangat, may hihilang pababa.
Napapagkamalang bading ang actor dahil mahusay itong gumanap na bakla sa mga TV show lalo pa’t maputi at guwapo siya na kung bibihisan ng damit pambabae, marami siyang dadaiging muher.
Ayon sa aming kausap na malapit sa aktor, ayaw nitong malimitahan ang craft o pagiging actor kaya hindi siya namimili ng gagampanan.
( Alex Datu )