SA pagbubukas ng first quarter ay inumpisahan agad ni basketball superstar LeBron James ang pagiging agresibo dahilan upang bumanderang tapos ang Cleveland Cavaliers sa Game 3 ng 2015-16 National Basketball Association, (NBA) Finals.
Kumayod si four-time MVP James ng 32 points, 11 rebounds at anim na assists upang tambakan ng Cavaliers ang Golden State Warriors, 120-90 kahapon at ilista ang 1-2 karta sa kanilang best-of-seven series.
Bago nag-umpisa ang laro ay dehado na agad ang back-to-back Eastern Conference defending champion Cleveland dahil bukod sa lubog sa 0-2 ay wala pa si star player Kevin Love.
‘’Coaching staff gave us a great game plan and we executed it for 48 minutes,’’ saad ni James.
Isang gabi bago ang Game 3, tinawag ni James ang Game 3 na do-or-die.
‘’We’ve got to give the same effort on Friday,’’ wika ni James. ‘’It started defensively and it trickled down to the offensive side.’’
Bumakas si Kyrie Irving ng 30 puntos at walong assists habang may 20 puntos at apat na boards si J.R. Smith para sa Cavaliers.
Muling ilalaro sa Cleveland ang Game 4 bago lumipat sa Golden State para sa Game 5.
Nanguna sa opensa ng Warriors si two-time MVP Stephen Curry na may 19 markers habang nagtala si Harrison Barnes ng 18 puntos.
( ARABELA PRINCESS DAWA )