Friday , November 15 2024

Alma Concepcion tumestigo sa Pasay death concert

PERSONAL na nagtungo sa NBI Death Investigation Division ang aktres na si Alma Concepcion para magbigay ng kanyang testimonya sa naganap na Close Up Forever Summer 2016 event na ikinamatay ng lima katao.

Ayon kay Concepcion, nagulat siya dahil ang babata pa ng mga nasa rave party.

Kapansin-pansin aniya ang kakaibang kilos ng ilang dumalo roon tulad nang pagnguya bagama’t walang kinakain o umiikot ang mga mata.

Napaluha si Concepcion nang ikuwento niya ang pag-collapse ng isang babae sa kanyang harapan.

Ipinakita rin ni Concepcion ang cellphone video na kanyang kuha sa concert.

Hindi tuwirang sinabi ni Concepcion kung may nakita siyang bentahan ng droga sa loob ng party venue.

Naroon sa concert si Alma para samahan ang menor de edad na anak at limang iba pa.

Habang sinabi ng kanyang kaibigan na si Atty. Py Caunan na nakakita sila ng mga gumagamit ng inhaler at may mga naka-face mask.

Matatandaan, ipinatawag sina Concepcion at Caunan sa NBI dahil sa magkahiwalay nilang post sa social media tungkol sa concert.

Samantala , dumating din sa NBI ang sinasabing kasintahan ni Bianca Fontejon, isa sa mga namatay sa concert, para magbigay ng salaysay.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *