HINDI tutol si Coleen Garcia at masaya siya sa balitang may namumuong romansa ang kanyang dad na si Jose Garcia at ang aktres na si Karla Estrada.
Excited siya sa nasabing balita dahil sa wakas, magkakaroon ng lovelife ang at inspirasyon ang kanyang ama. Nine year old pa lang kasi si Coleen nang naging single ang kanyang dad.
Kaya lang, parang magkakaroon ng problema dahil ang latest ay may nagpapatibok sa puso ng mom ni Daniel Padilla na isang negosyante.
Kung tutuusin, bago lamang nakilala ng dad ng aktres si Karla at nangyari ito sa TV show na host ang akters at natuloy ang kanilang getting-to-know-each-other nang nagkasabay sa premiere night ng Love Me Tomorrow.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu