Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cavs babawi (Love baka di makalaro)

POSITIBO pa rin si Cleveland coach Tyronn Lue na makakabangon pa ang kanyang koponan na nalulubog ngayon sa 0-2.

“You’ve got to kill me,” saad ni Lue. “I’m never going to commit suicide. I’m still confident. I’m going to be positive, because that’s how I feel. It isn’t fake.

Pakay ng Cavaliers na gumanti sa Golden State Warriors sa sagupaan  nila sa Game 3 best-of-seven Finals ng 2015-16 National Basketball Association, (NBA) ngayong araw.

“I feel our team is good enough to beat this team.” dagdag pa ng coach.

Masaker ang inabot ng Cavaliers sa Game 2 laban sa defending champion GSW matapos buwenasin sina Draymond Green, Shaun Livingston at Leandro Barbosa.

Bukod sa 0-2 may isa pang problema ang Cavs, maaaring hindi maglaro si star player Kevin Love sa Game 3 dahil tinamaan ang  ulo nito sa Game 2 dahilan para lumabas siya ng playing court.

Ayon kay four-time MVP LeBron James, kailangan nila sa laro si Love pero kung hindi man siya makalaro ay dapat kumayod sila ng todo para manalo.

Ilalaro sa Cleveland ang Games 3 at 4 bago bumalik sa Golden State para sa Game 5.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …