BBM handa na sa electoral protest
Niño Aclan
June 9, 2016
News
INIHAHANDA na ng kampo ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kanyang ihahaing electoral protest bago ang deadline sa Hunyo 29 deadline, ukol sa kuwestiyonableng resulta ng vice presidential election.
Ito ay matapos madiskubre nina Atty. Jose Amor Amorado, head ng BBM Legal Team at Abakada Rep. Jonathan Dela Cruz, political adviser ni Marcos na kanilang natuklasan ang pagkakaroon ng tinatawag na ‘fourth server’ na itinago umano sa publiko ng Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic.
“The target date for the filing of the electoral protest is June 28—a day before the June 29 deadline. Yes, definitely we will file an election protest. The truth has to come out – one way or another,” ani Amorado.
Ayon kay Amorado, nilalayon ng paghahain ng protesta ang pagsasagawa ng recount sa ilang mga piling lugar na kuwestiyonable ang pagkatalo ni ni Marcossa sariling baluwarte.
Iginiit ni Dela Cruz, kailangan nilang maghain ng protesta upang ipaglaban ang totoo kung sino ang ibinoto ng taong bayan sa nakalipas na halalan.
“We believe that we have enough evidence to show that there was massive rigging and manipulation of votes,” ani Dela Cruz.
“Instead of being transmitted directly to the Municipal Board of Canvassing servers, the Comelec server and the transparency server, the results were instead coursed through a ‘4th server’ or the so-called ‘queue server.’ This ‘4th server’ was not divulged to the public and was never subjected to a source code review as what transpired with the other servers used in the elections,” pahayag nina Dela Cruz at Amorad.
Wala ring watchers ang pinayagang makasaksi sa naturang ‘4th server.’
Hiniling na rin ni Amorado sa Comelec ang pag-iingat nang husto sa lahat ng dokumento, server at iba pang IT related materials sa nakalipas na halalan.
“Our main allegation is that in the night of May 9, 2016 during the time when the transmission was already in progress, they opened the system and introduced the new script without permission from the owner of the system, which is Comelec,” dagdag ni Amorado.