Friday , November 15 2024

Trillanes pinakamaraming naisabatas na nat’l bills

SA pagtatapos ng ika-16 Kongreso, nanguna si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV sa mga senador sa dami nang naisabatas na mga pambansang panukala, bilang pangunahing may-akda at pangunahing isponsor.

Sa huling araw ng sesyon sa Kongreso nitong Hunyo 6, 2016, mayroong 11 principally sponsored bills at 10 principally authored bills si Trillanes na naisabatas na.

Ilan sa importanteng mga batas na iniakda ni Trillanes ang pagtataas ng subsistence allowance ng mga sundalo at iba pang unipormadong kawani; Strategic Trade and Management Act; pagdagdag sa burial assistance ng mga beterano; Cabotage Law; deklarasyon ng Armed Forces of the Philippines Week; Social Work Law; Forestry Law; Chemistry Law; Nutrition and Dietetics Law; Metallurgical Engineering Law; at Farm Tourism Law.

Ilang panukalang batas na inakda at inisponsoran ni Trillanes, na naghihintay ng pirma ng Presidente, ang Comprehensive Nursing bill; Continuing Professional Development bill; Agricultural and Biosystems Engineering bill; Pharmacy bill;  at ang AFP Derivative Pension for Children/Survivors bill.

Base sa dami ng principally sponsored na batas, sinundan si Trillanes nina Pia Cayetano na may walong naisabatas; Sonny Angara at Bam Aquino na may tig-anim na naisabatas; at Cynthia Villar na may limang naisabatas.

Samantala, kasunod ni Trillanes base sa dami ng principally authored laws ay sina Loren Legarda at Ralph Recto na may tig-apat na naisabatas; at Sonny Angara, Frankllin Drilon, Jinggoy Ejercito-Estrada, Sergio Osmena III, Vicente Sotto III na may tatlong naisabatas.

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *