Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

17-anyos dalagita ‘hiniyot’ ng albularyo

NADAKIP ng mga pulis ang isang albularyo kamakalawa makaraan gahasain ang menor de edad niyang pasyente sa Irosin, Sorsogon.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagpakonsulta ang 17-anyos dalagita sa 54-anyos albularyo nang hindi siya datnan ng kanyang buwanang dalaw.

Ayon sa biktima, ipinasya niyang magpatingin sa albularyo dahil sa kakapusan ng pera.

Pang-apat nang pagpunta ng biktimang si Lyka sa bahay ng albularyo na si Benjamin Abarnas nang siya ay gahasain nitong Sabado.

“Pinasok niya ako sa kuwarto. Pinahubad niya ‘yung pantalon ko, pinapikit niya ako and pina-sign of the cross. Tapos ginalaw niya na ako,” salaysay ng biktima.

“May diyos-diyos pa siyang nalalaman; sa demonyo pala ang gawa niya,” dagdag ng biktima.

Sinabi ni Irosin Police chief Edwin Adora, naghahanda na para tumakas ang suspek nang kanilang maaresto.

“Patakas na sana siya mabuti at naabutan namin.”

Itinanggi ni Abarnas na ginahasa niya ang biktima. Idiniing hinilot lamang niya ang tiyan ng dalagita.

Kasalukuyang nag-iimbestiga ang mga awtoridad upang mabatid kung may iba pang ginahasa ang suspek.

9-anyos nene ginahasa sa harap ng 2 kapatid

GINAHASA ng isang 30-anyos lalaki ang 9-anyos batang babae sa harap ng kanyang dalawang kapatid sa kanilang bahay sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila nitong Martes.

Kinilala ang suspek na si Aman Aliodin, 30, walang asawa at walang trabaho, residente ng Block 9, Baseco Compound, Port Area.

Ayon sa sa imbestigasyon ni PO1 Jennifer Dela Cruz ng MPD Ermita Station, dakong 2 a.m. nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa nasabing lugar habang ang kasama lamang ng 9-anyos ay kanyang dalawang kapatid na may gulang na 6-anyos at isang taon gulang na sanggol, habang  wala ang kanilang ate na si Mirriam

Napag-alaman, hinayaan ng mga bata na makapasok ang suspek sa pag-aakalang ang nanay nila ang dumating.

“May kumatok, akala ‘yung nanay nila. Tapos, ginahasa na,” ayon kay Dela Cruz.

Sinasabing hindi nakalabas ng bahay ang dalawang kapatid ng biktima dahil may dalawang taong nakabantay sa labas ng bahay.

Nakahingi lamang ng tulong ang mga bata nang umalis na ang mga lalaki.

Agad nadakip ng mga awtoridad ang suspek sa isinagawang follow-up operation.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …