Sunday , December 22 2024

Filipino mahalagang gamitin sa hudikatura

BINIGYANG-DIIN ni retired Supreme Court Associate Justice Ruben Reyes ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa sangay ng Hudikatura.

Sa ikalawang Lekturang Norberto Romualdez ng Komisyon sa Wikang Filipino na idinaos sa Court of Appeals Auditorium, sinabi niyang mainam na gumamit ng Filipino sa mga kaso dahil nagsisimula ito sa municipal trial courts na kalimitang kinasasangkutan ng mga ordinaryong mamamayan.

Kasabay nito, isinulong din ni Reyes ang pagsasalin sa Filipino ng mga batas na malapit sa taong bayan para kanilang lubos na maintindihan.

Halimbawa ang batas sa droga, illegal recruitment at proteksiyon sa kababaihan.

Ayon kay Reyes, kailangan baguhin na ang mentalidad na mahinang wika ang Filipino at ang pagiging mahusay rito ay pagiging mahina naman sa wikang Ingles

Sa katunayan, bagama’t nakasulat sa Ingles ang kanilang mga desisyon sa Korte Suprema, ibinahagi ni Reyes noong panahon niya ay wikang Filipino ang ginagamit nila sa deliberasyon.

Ibinida rin niyang si Pangulong Benigno Aquino III ay gumamit ng wikang Filipino sa halos lahat ng kanyang talumpati.

Una rito, may bersiyong Filipino ang Labor Code, Local Government Code at Rules of Court.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *