Friday , November 15 2024

Retiradong Manila cop iimbestigahan sa Balcoba Slay

IIMBESTIGAHAN ng Manila Police District  (MPD) ang isang retiradong pulis sa Maynila na iniuugnay sa pagpatay sa kolumnistang si Alex Balcoba Sr., noong Biyernes ng gabi sa Quiapo, Maynila. Ayon kay Sr. Insp. Rommel Anicete, hepe ng MPD-Homicide Section, huling nakaaway ni Balcoba ang nasabing retiradong pulis noong nakaraang buwan kaya kanila nang ipinatawag para sa imbestigasyon.

Na-track na rin aniya nila ang nilalaman ng cellphone ni Balcoba na nakasaad ang pagbabanta ng suspek sa kanya.

Gayonman, ipinaliwanag ni Anicete, bagama’t kompirmadong isang gun for hire ang pumatay kay Balcoba hangga’t hindi naaaresto ang gunman ay wala rin direktang mag-uugnay sa suspek kaya hindi masasampahan ng kaso.

Sinabi ni Anicete, noon pang 2012 nagsimula ang away ni Balcoba at ang retiradong pulis na nag-ugat sa negosyo.

Sinampahan ni Balcoba ng kaso sa korte ang pulis habang kinasuhan ng libel ang kolumnista ng nasabing parak. Na-dismiss ang isinampang kaso ni Balcoba habang naka-pending pa ang kasong libel na isinampa ng pulis laban sa kanya.

Bukod sa retiradong pulis Maynila, isa pang opisyal ng MPD ang nakabangga ni Balcoba na sinasabing pinagbantaan din ang kolumnista.

Magugunitang naglaan ng P100,000 ang hanay ng MPD at MPD Press Corps para sa sino mang makapagtuturo sa suspek sa insidente.

Inilabas na rin ng MPD ang cartographic sketch ng suspek.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *