Friday , November 15 2024

Ex-PDEA Officer Marcelino pinayagan magpiyansa

PANSAMANTALANG makalalaya si Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino makaraan maglagak ng piyansa sa Quezon City Regional Trial Court.

Sa 29-pahinang resolusyon, sinabi ni Judge Lyn Ebora Cacha, walang sapat na ebidensiyang naipresenta sa kanila para tanggihan ang kahilingan ni Marcelino na makapagpiyansa.

“The court finds no strong evidence against Lt. Col. Marcelino for several reasons. The petitioner Marcelino was found in the ground floor and there was no illegal drugs confiscated in his possession or in his immediate vicinity,” bahagi ng resolusyon.

Matatandaan, naaresto si Marcelino sa isinagawang drug raid noong Enero 21 sa isang bahay sa Sampaloc, Maynila at nakompiska ang mahigit P380-milyong halaga ng droga.

Ayon sa korte, wala rin sapat na katibayan na magpapatunay na may nalalaman o kontrol si Marcelino sa mga drogang nakita sa nasabing bahay.

Sinasabing bigo rin ang mga awtoridad na nakaaresto kay Marcelino, na maipakita ang koneksiyon niya sa krimen.

“His mere presence at the house does not by itself makes petitioner Marcelino liable as such is merely circumstantial which is yet to be connected to the crime,” paliwanag ng korte.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *