Friday , November 15 2024

Virtrual farming bagong modus sa investment scam — SEC

NAGA CITY – May kumakalat na namang bagong modus ng investment scam at sangkot dito ang internet.

Kaugnay nito, nagpalabas ng abiso ang Securities and Exchange Commission (SEC) central office bilang paalala sa publiko na huwag sumali sa organisasyon na tinatawag na “Farm on Agricultural Production.”

Modus ng kompanyang ito na hikayatin ang publiko na mag-invest sa pamamagitan ng kanilang virtual farms at sinasabing may katumbas itong totoong sakahan at 50 percent ng kanilang investment ang posibleng kitain.

Ayon kay Atty. Fiona Bobis, securities Counsel ng SEC–Bicol, hindi rehistrado at walang lisensiya mula sa kanilang ahensiya ang naturang kompanya.

Hindi rin matukoy kung saang parte ng bansa ang sinasabing sakahan ng kompanya.

Sinasabing kapareho ng larong ‘Farmville’ ang proseso ng virtual farming na kailangan lamang magtanim at mag-alaga ng mga hayop ng investors upang kumita ng malaking halaga.

Paalala ng SEC, ikonsulta muna ng publiko sa kanilang listahan ang isang kompanya upang masiguro na isa itong legal na organisasyon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *