Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong bad trip sa pila (Red tape inupakan)

TUTULDUKAN ni president-elect Rodrigo Duterte ang red tape sa gobyerno na nagdudulot nang malaking prehuwisyo sa publiko.

Sa press conference sa Davao City kagabi, inihayag ni Duterte na ipagbabawal niya sa mga tanggapan ng gobyerno ang mahabang pila ng mga taong may transaksiyon at nagihintay ng mga dokumento.

Uutusan ni Duterte ang  lahat ng  kawani at  opisyal ng  gobyerno na  tapusin sa  loob ng  tatlong  araw  o 72 oras  ang  lahat  ng  transaksiyon dahil ayaw  niyang  nakikitang  mayroong  mahabang  mga  pila.

Kapag  aniya  nabigo ang  isang  ahensiya  na  matapos ang  transaksiyon o kailangang  dokumento,  kailangang  sumulat sa  kanya  at ipaliwanag  kung ano ang  dahilan kung  bakit  hindi ito nagawa.

Binigyang-diin ng  bagong  Pangulo na  ayaw  niyang  makarinig  ng  reklamo mula sa  mga  tao, kaya’t dapat  tularan ang  kanilang  sistema sa  Davao na  bibigyan sila ng  stub at  balikan na lamang  pagdating  ng  tatlong  araw.

Dapat aniyang  pag-aralan ang  workload  ng  computers para  magamit  nang  husto sa  pagseserbisyo imbes   gamitin lamang  sa  paglalaro.

Sinabi ni Duterte  na  ayaw  niyang nakikitang  gumagastos  ang  mga  tao sa  gobyerno at  hindi naman naisusukli nang  tamang  serbisyo ng  gobyerno.

Samantala, ipinatawag kahapon para sa isang pulong ni President-elect Rodrigo Duterte ang kanyang itinalagang miyembro ng gabinete sa Department of Public Works and Highway’s compound sa Brgy. Panacan, Davao City.

Kabilang sa magiging Cabinet members ni President-elect Duterte sina Executive Secretary Salvador Medialdea; Presidential Spokesperson – Salvador Panelo; Agrarian Reform secretary Rafael Mariano; sa Agriculture si Emmanuel Piñol; Budget and Management – Benjamin Diokno; Education – Leonor Briones,

Sac Energy si Alfonso Cusi; Finance, Carlos Dominguez; Foreign Affairs, Perfecto Yasay Jr.; National Bureau of Investigation, Dante Gierran; Interior and Local Government (Secretary), Mike Sueno; Interior and Local Gov’t (Undersecretary) – Catalino Cuy; Justice,  Vitaliano Aguirre II; Labor and Employment, Silvestre Bello III; National Defense, Delfin Lorenzana; National Economic and Development Authority, Ernesto Pernia; National Security Adviser, Hermogenes Esperon Jr.; Public Works and Highways, Mark Villar; Science and Technology, Fortunato Dela Peña; Social Welfare and Development, Judy Taguiwalo; Transportation and Communication, Arthur Tugade; Presidential Adviser on the Peace Process, Jesus Dureza; Philippine National Police (PNP) Chief, Ronald Dela Rosa; Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief, Lt. Gen. Ricardo Visaya; Cabinet Secretary, Leoncio Evasco Jr.; Solicitor General, Jose Calida; Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Andrea Domingo; Presidential Assistant for the Visayas,  Mike Diño; Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB),  Martin Delgra; Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Isidro Lapena; National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Ricardo Jalad; Bureau of Immigration (BI), Jaime Morente; Bureau of Internal Revenue (BIR), Cesar Dulay; Land Transportation Office (LTO), Edgar Galvante; at National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Alex Monteagudo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …