SOBRANG nasaktan si Angelica Panganiban sa hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz at inaming muntik lumipat ng ibang network para maiwasan ang dating kasintahan.
Aniya, nahimasmasan siya kaya hindi niya na itinuloy ang paglipat dahil sobra ang kanyang respeto sa ABS-CBN. Hindi na lang daw siya lilipat, kundi magre-retire na lang.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin naka-move ang aktres sa kanyang break-up sa four-year relationship kay John Lloyd dahil halos araw-araw niya itong iniiyakan. Kaya naman, sa sususunod muli niyang magmahal titiyakin niyang iyon na ang huling lalaki para sa kanya.
Ani Angelica, patutunayan niyang ‘forever.’ Puwede pa rin siyang pumatol sa taga-showbiz pero sisiguraduhin niyang hindi na ito sikat para magkaroon sila ng oras sa isa’t isa. Mahirap na raw ‘yung sikat dahil maraming kaagaw, maraming balakid tulad ng napagdaanan niya kina Derek Ramsay at John Lloyd.
“Lesson learned talaga, huwag sikat. Kung gusto mo ng artista, ‘yung laos o kaya ‘yung wala ng direksiyon. ‘Yung parang wala ng papel sa mundo, parang tulala lang. ‘Yun na ang hanap ko ngayon, mga lalaking tulala,”pabiro ng aktres kay Vice Ganda noong nag-guest siya sa TV show ng huli.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu