Friday , November 15 2024

Thanksgiving Party ni Digong itinakda na

DAVAO – Naka-hightened alert ang buong lungsod ng Davao lalo na’t mahigit isang linggo na lang ay isasagawa na ang isa sa pinakamalaking event dito sa lungsod.

Sa ngayon, handa na ang organizers sa isasagawang “DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party,” sa Hunyo 4 na isasagawa sa tatlong lugar sa Davao nang sabay-sabay.

Ang main venue nito ay sa Crocodile Park ground sa Maa Diversion Road at dalawang satellite venue sa Magsaysay at Rizal Park na magsisimula 1 p.m. hanggang 1 a.m.

Ayon kay Kat Dalisay, isa sa organizers ng event, mahigpit na seguridad ang kanilang ipatutupad sa nasa-bing araw dahil inaasahan nila ang pagdagsa ng maraming bisita bukod pa sa aasahang 100,000 usisero.

Inaasahan ang pagdating ng 568 talents mula sa buong Mindanao at ang celebrities na tumulong rin sa kampanya ng mayor.

Samantala, siniguro ni Dalisay na may coordination meeting sila ng food and drinks booth bago ang event at tiniyak na walang makalulusot na ilegal na droga sa nasabing party.

Nabatid na kahit mga ino-min ay regulated din sa na-sabing event.

Mahigpit din na ipatutupad ang ordinansa ng lungsod lalo na ang liquor ban at smoking ordinance.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *