Friday , November 15 2024

Trabahador napisak sa pison (Sa Agusan del Norte)

BUTUAN CITY – Hindi umabot nang buhay ang isang trabahador makaraan magulungan ng pison habang nagtatrabaho sa national highway sa Ohida Avenue, Cabadbaran City, lalawigan ng Agusan Del Norte kamakalawa.

Ayon kay SPO2 Noel Gorinca ng Cabadbaran City Police Station, imbestigador ng kaso, nag-overtime sa pag-aspalto ng nasabing highway ang mga trabahador at nagsisilbing right man ang biktimang si Joel Contreras, 34, residente ng Purok-6, Brgy. Bonbon ng lungsod ng Butuan.

Habang minamanmanan ng biktima ang mga motoristang dumaraan, hindi niya namalayan ang paatras na pison at tuluyang nasagasaan at namatay.

Tiniyak ng may-ari ng construction firm, kanilang bibigyan ng kaukulang tulong ang pamilya ng biktima.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *