Friday , November 15 2024

Newscaster nabiktima ng basag-kotse

NABIKTIMA ng basag-kotse gang ang isang newscaster ng PTV 4 sa tapat ng Agora Public Market sa San Juan City, nitong Linggo.

Ipinarada ni Kirby Cristobal ang bagong biling van sa naturang lugar nitong Sabado ng gabi.

Nakatanggap siya Linggo ng umaga ng text message mula sa isang parking attendant na sinabing nabasag ang salamin ng kanyang van.

Natangay mula sa sasakyan ang nasa P10,000 cash at bagong stereo.

Naiwan pa sa upuan ng van ang plais na ginamit sa pagbaklas ng stereo.

Ipinagtataka ni Cristobal kung bakit wala man lamang nakakita sa mga suspek.

Halos 50 metro lamang ang layo ng presinto ng pulis mula sa pinangyarihan ng insidente.

Habang ayon kay Cesar Otienang, construction worker sa kalapit na ginagawang tindahan, wala silang narinig na alarm mula sa van.

Nakita lamang aniya nila na bumubukas-sindi ang ilaw ng sasakyan kahapon ng madaling-araw.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *