Friday , November 15 2024

2 tatay nag-suicide sa CamSur

NAGA CITY – Problema sa kanilang karelasyon ang itinuturong dahilan ng pagpapakamatay ng dalawang padre de pamilya sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakita ng kanyang mga katrabaho ang katawan ng biktimang si Reynante Remodo, 42, ng bayan ng Tigaon, habang nakabitin sa loob ng pinagtatrabahuang repair shop.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, bago ang pangyayari ay napansin nilang palaging tahimik at malungkot si Remodo dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang kinakasama.

Sinasabing umalis ang kanyang live-in partner at isinama ang kanilang anak.

Samantala, sa karatig bayan ng Sagñay, nagpakamatay din sa pamamagitan ng paglunod sa sarili ang biktimang si Jonard Tadeo, 39-anyos.

Nakita ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang biktimang wala nang buhay sa pampang ng dagat malapit sa port ng Brgy. Nato.

Pinaniniwalaang lasing at mag-isang lumusong sa dagat si Tadeo upang lunurin ang sarili.

Bago ito, may hindi pagkakaunawaan si Tadeo at ang kanyang kinakasama na itinuturong dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *