Friday , November 15 2024

Werfast, PNP off’ls ipinaaaresto rin ng Sandiganbayan (Sa P100-M courier service scam)

INIUTOS na ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa 10 kataong sangkot sa  maanomalyang P100-milyon courier service scam ng Philippine National Police (PNP) sa Werfast Documentation Agency Inc.

Kabilang dito ang Werfast owner na si Mario Juan, negosyanteng si Salud Bautista, retired Civil Security Group chief Gil Meneses, dating Firearms and Explosives Office chief Napoleon Estilles, dating Chief Supt. Allan Parreño, Senior Supt. Melchor Reyes, Senior Insp. Ford Tuazon, Werfast incorporators Enrique Valerio, Lorna Perena at Juliana Pasia.

Kamakalawa ay inaresto na si dating PNP Chief Alan Purisima, pangunahing sangkot sa courier service deal, paglapag ng sinasakyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Humaharap sa kasong graft si Purisima dahil sa sinasabing maanomalyang kontrata ng PNP sa pag-deliver ng lisensiya ng baril sa mga aplikante noong 2011.

Agad nakalaya ang dating PNP chief nang magpiyansa ng P30,000.

Ngunit inilinaw ng abogado ni Purisima na si Atty. Dexter Corpus, kusang sumuko at hindi inaresto ng mga awtoridad ang kanyang kliyente dahil sa warrant of arrest.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *