Friday , November 15 2024

Reklamo vs Duterte tuloy — Ombudsman

HINDI iaatras ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon kay president-elect Rodrigo Duterte kaugnay sa inihaing patong-patong na mga reklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Ombudsman Conhita Carpio-Morales, obligado sila sa kanilang trabaho na imbestigahan ang sino mang opisyal ng pamahalaan na nahaharap sa administrative or criminal complaint.

Dahil dito, ipagpapatuloy nila ang pag-imbestiga sa reklamong plunder, graft at malversation na kinakaharap ni Duterte.

Dagdag ni Morales, kung magpositibo ang kanilang imbestigasyon sa mga anomalyang ikinakabit sa pangalan ni Duterte, sunod na maghahain sila ng resolusyon sa Kongreso para sa impeachment case.

Nag-ugat ang nasabing reklamo ni Trillanes laban kay Duterte nang isiniwalat niya sa publiko ang sinasabing pagtanggap ng presumptive president ng higit 11,000 contractual workers para sa lungsod ng Davao noong 2014 kaya gumastos ang lokal na pamahalaan ng P708 milyon para sa pasahod at iba pa.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *