Sunday , December 22 2024

Peace talks isasabotahe ng anti-communists (Ayon kay Joma)

NAGBABALA si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison kaugnay sa pananabotahe ng aniya’y mga ‘rabid anti-Communists’ na humaharang sa kanyang pagbabalik sa Filipinas.

Partikular na tinukoy ni Sison sina Sen. Antonio Trillanes at Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon na nagbabanta ng imbestigasyon laban sa sinasabing krimeng nagawa niya.

Sinabi ni Sison, alam mismo ni Gascon bilang dating negosyador para sa gobyerno, na siya ay protektado ng JASIG (Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees).

Ayon kay Sison, posible rin makadiskaril sa peace negotiations ang mga propaganda laban sa komunismo.

Tiniyak din ng CPP founding chairman, hindi sila magtatakda ng ano mang kondisyon bago simulan ang peace talks, ngunit dapat lamang sundin ang mga nauna nang kasunduan para manatili ang kompiyansa nila sa gobyerno.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *